Pages

Friday, March 7, 2008

Ingay

Ayoko ng maingay
sensitive ako sa noise...
Di makapagconcentrate,
makapag-isip,
makapagmuni-muni.

Madaming kalaban
ang utak ko kapag
maingay ang kapaligiran.

Maingay na bata -
mga tyanak kong neighbors

Maingay na lasinggero -
parang mga bingi
kung magkwentuhan

Maingay na kapitbahay -
rnb party ever with
their low iq inducing songs

Maingay na aso -
paranoid sa tuwing
bubukas ang rusted gate

Mainggay na community -
saksakan, suguran,
sigawan galore

Guilty din ako minsan
dahil pag nabwibwisit ako
nilalaksan ko ng todo ang
tv at idadabog ko ang pinto.

Pag trip ko, nagiingay
at nagluluto ako kapag
madaling-araw
(nocturnal ako)
para talagang maramdaman
nila ang ingay ko habang
nahihimbing ang
mga lecheng yan.

Pag maraming
external noise
sabog ang pagiisip ko,
wala sa katinuan,
eroded ang capacity
para makafunction ng maigi.

Madalas din
kapag may kausap ako
at medyo di nako natutuwa
sa mahaba at paulit-ulit
na kwentong kawengwengan.
Nagzozone-out ako,
natango ako pero
nalipad na ang isip ko.

Minsan paulit-ulit
na sumasagi sa utak
ko ang word na boring
to the point na minamouth
ko na pala sya at napapansin
na ng kausap ko.

Hindi naman gaano kaikli
ang attentiveness ko,
di ako ganun ka-autistic.
Pero sakit ko na ata ang
madaling mabore sa mga bagay
na di kailangan pag-isipan
at walang challenge.

Sabi ng mama ko
sakit daw yun ng mga gifted kids
kaya dapat umamin na tayong lahat.

Sakit ko din ang
sobrang dami ng mga idea
na hindi ko na sya maconvey
sa intelligible words...blah blah, yadaaah
yonk wert, zip, zap.

Dumadating din sa punto
nakapag na mental block
talaga namang mas nakakaawa
ako kesa sa isang bobong retarded
na pinagexplain ng quantum mechanics.

Apektado lang ako siguro
ng maraming ingay,
di lang audible noise kundi
pati mga isyus sa araw-araw,
kung posible lang bang
maging manhid kahit
isang saglit makakalma nako.

3 comments:

  1. madali ako maburyong sa mga paulit-ulit na rants na kung susuriin mo naman ay sila rin ang may kasalanan o di kaya'y sa kanila rin naman nakasalalay ang pagkawala ng kinaiinisan nila. "come on, move on" di ba?!

    pero teka, tungkol pala sa ingay ito. ayoko din ng ingay... un lang. Lol.

    ReplyDelete
  2. hahaha...

    mas naprapraning ako kapag masyadong tahimik. ayos sa akin ang maingay atleast alam ko'ng hindi ako nag iisa...hehehe

    ReplyDelete
  3. dn:
    i concur!

    wandering c:
    ilalagay kita sa outerspace *waves wand* ploink!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...