Nanood kami ng laban
ni pareng manny kanina -
Pambansang kamao
kaya kumpare ng lahat.
Akala ko talaga
talo na si pareng manny,
peksman as in prepared
nako gumawa ng speech
tungkol sa probable excuses
na pwede nya gamitin
kung bakit sya natalo.
Nahuhubaran sya ng shorts,
Pumutok lang naman
yung laman sa may mata niya,
Napapaebs sya kaya
di makapwersa,
Wala syang dalang alaxan
at nanghihina na,
walang concentration dahil
iniisip niya kung may
load ang cellphone nya o wala
dahil tatawag si "madam president".
Wala si Chris Tiu, na co-host niya
para mag-sidekick bilang translator
kapag nag-inglisan na sa ending.
Malamang napansin
lahat ang pagkabigla
sa mukha ng team marquez
ng inannounce si manny
bilang winner.
As in tulala sila
di makapaniwala,
isang puntos lang ang lamang
ni pareng manny
at talaga namang
halos tumumba na si pacquiao.
Ang kaso mas spectacular
ang mga explosive punches
ni manny, talagang K.0.
si marquez.
Naaawa din ako sa kampo
ni marquez, feeling ko
siguro sya yung dapat na
nanalo dahil kontrolado
niya ang laban.
Pero di ako referee at
boxing fanatic para
paniwalaan, opinion lang.
Exceptional si manny
dahil single-handedly
nyang napapatigil ang
trapik at krimen sa
pilipinas,
pinapanood ng lahat
ang laban niya,
mapapulis o criminal.
Tumitigil ang pagikot
ng mundo para sa mga
pinoy kapag lumalaban
si manny ...
Dala niya ang mga pinoy
sa mga laban niya -
kahit man lang sa boxing
tayo ang nanalo, nangingibabaw
laban sa iba kahit sa ring lang.
Mabuhay ka Manny!
Wag ka lang mamulitika sana!
nakakaboring kasi ang tagal nila parehong tumumba. inubos nila ang 12 rounds. pero salamat talaga sa mga laban ni pacquiao at humuhupa ang trapik at crime rate sa pinas sa mga tiyempong nakikipagbasagan siya ng mukha sa mga dayuhan.
ReplyDeletedi ako masyadong naimpress sa laban. dapat talagang magkaroon ng pangatlong laban. dahil para sakin tabla yung laban. dapat ipakita ni pacquiao na nanalo sya sa mata ng lahat ng tao at di lamang sa mata ng judges. di ko inaasahang magiging ganun kaclose ang laban. pero syempre masaya pa rin tayo sa resulta
ReplyDeletenapansin ko lang nung laban ni pacquiao parang tumigil ang oras ng buong pilipinas,,,kaya ang sarap mag stroll habvang ang lahat ay napipikon sa haba ng mga commercial. hahaha!
ReplyDeletehaay, madami naman maloloko kay pacquiao. lagi siyang nanakawan! hahaha!
Sabi ng kaiban ko dapat lang daw talaga manalo si Manny dahil kung hindi ay magkawatak-watak lalo ang bansa natin, baka mgka-rebolosyon pa nga daw kung matalo si Manny.
ReplyDeleteHindi ko yun naiintindihan.
=) makikiraan lang po, katawa di ang mga comments hehehe.
ReplyDeletemahina na si pacman 12 rounds na malakas pa rin kalaban
Mabuhay ka Manny! Woohoo! Haha.
ReplyDeletemaidagdag ko lang:
ReplyDeletebaka sabihin din nya na mejo bothered siya kasi dein nanuod si ara mina, lolz
sayang hindi natalo si pacquaio. nanghihinayang ako eh.
ReplyDeleteAko rin ay panatikong Pacquiao fan.Mabuhay si manny at mabuhay ka rin.
ReplyDeletei so want pacquiao to lose... kahit isang beses lang. to humble him down a bit...
ReplyDelete12 rounds nmn ksi.. hehe..
ReplyDeletepero congrats ky manny
dun sa una ni lang laban, mas angat talaga si manny, dapat sha ang nanalo dun
ReplyDeletekaso dito sa pangalawang ito, tingin ko mas lamang dapat si marquez, pero di naman ako referee...
Blog hopping ^6,)
ReplyDeleteCare to link exchange?
You may also add me sa ym: popsterkevin
I have some other blogs to link ex too.
Comment back =)
Other readers reading this, you may drop by too if yu wanna link ex :)_
Blog hopping ^6,)
ReplyDeleteCare to link exchange?
You may also add me sa ym: popsterkevin
I have some other blogs to link ex too.
Comment back =)
Other readers reading this, you may drop by too if yu wanna link ex :)_
si manny andami nang money!
ReplyDeletehaha.
gusto ko ang huli mong sinabi,
sana d na siya mamulitika.
pang-ring si manny. tapos.