Pages

Tuesday, March 11, 2008

Sindikato

Nag-init ng konti
ang ulo ko kanina.
Madami din kasi
akong incompetent
na ka-endorse sa trabaho.


Pero okay naman
magkamali ng minsan
kapag baguhan ka.


Buti na lang nakita
namin agad ang kulang
ang naiayos kaagad
ang lahat.


Nagtakutan pa kami
kanina, kumakalat
kasi ang balita
dito sa cavite
tungkol sa mga batang
dinudukot, kinikidnap.


Pinakaworse na ata
yung version na
kinidnap yung isang bata
at natagpuan na lang
na wala ng puso
at may 10thou sa bulsa.


Feeling ko medyo
urban legend nato
at di na nakakatuwa
dahil panic lang
imbis na vigilance
ang kumalat.


Nagtawanan kami
sa kung bakit puso
lang ang kailangan
ng criminal.


Baka pang-organ donor
daw sabi ni Yob,
pero mabusisi ito
at maraming exam na
kailangan para
maasure ang
compatibility at iba
pang factors.


Pwede rin daw
pang medical student
sabi ni CJ, kaso
bakit puso lang?
Kailangan din pagaralan
lahat ng organs di ba?
At nilalagyan yan
lahat ng label kapag
binubuting-ting.


Pwede ding mala
meow meow siopao
ang dating...
palaman ng cannibals.


Baka din gustong
bumata ng iba
at ginawang mala
exotic chinese concoction
ang abang puso.


Kung totoo man ito
karumal dumal
at walang kasing
hayop na krimen
ang nangyari.


Pwede rin naman
na kwentong kutsero
ito ng mga public
school teachers na
nagtsismisan at kumalat
na sa magulang
hanggang ayun naging...


'Alamat ng mga
batang pinagdududukot'


Pero sabi nga sa L0TR
history became legend
and legend became myth
(tama nga ba?),
baka nga may basehan
ang urban legend/
tsismis.


Pero para ding
kibit-balikat ng
mga awtoridad
sa mga leads nato.


Walang public dissemination
ng warning puro haka-haka.
Baka nga may
sindikato na,
nagmamasid,
lumilibot,
nakikiramdam.


Iba na talaga
ang panahon ngayon . . .
Wala ka ng pwedeng
pagtaguan at pagkatiwalaan.

13 comments:

  1. may nagtext sa nanay ko.
    ang sabi nasa noveleta na daw yun mga suspect.

    hope it's not true.
    is it true na dito sa cavite siya nagstart??

    pero kalat siya sa ibang lugar e.
    sad lang.

    worry din ako.
    baka mapagkamalan akong bata.
    tsk. tsk.

    ReplyDelete
  2. kung totoo man yan o hindi
    basta kung sino man ang gustong gumawa ng inhumane na gawain na yan
    kupaloid yun at dapat siya at siya lang
    ang hampasin sa ulo ng martilyong may madaming kalawang...

    la alng nabadtrip lang ako kasi dapat yung mga pulitiko ang ginagawan ng ganyan, hindi ang mga bata na pwede pang magsilibing kasagutan sa mga problema natin sa hinaharap, saws!

    sunugin ang mga kupaloid(galit at gigil mode!)

    ReplyDelete
  3. pwedeng totoo yung mga nagkukuha ng organs, may possibility..may mga binibili ngang mga organs..pero sa palagay ko lamang, para to sa mga estudyante, siguro binebenta ng salarin sa mga naghahanap or meron pang middleman at yung bumibili di alam na sa ganong paraan pala itong mga organs nakuha..kayo tayong lahat ay dapat maging maingat..

    ReplyDelete
  4. pinoy (the turstas philippine version) where the locals are the ones who are being victimized.

    ReplyDelete
  5. superym:

    medyo paranoid na ang lahat dito sa etivac, naoverhear ko sa mga kapitbahay kong maiingay na yung mga taga cavite high e di na pwede umuwi hanggang walang sundo! hahaha! malalaman tuloy ng magulang nila na nagbubulakbol lang sila.

    mel:

    yang mga kupaloid na yan, dapat ituring na langat at lamok ng society -mga peste na pinapatay, dala nila ang sakit ng lipunan kaya dapat silang palakulin matapos hampasin sa ulo gaya ng sinabi mo.

    pamps:

    parang nagbenta lang sila ng kidney
    kaso patay yung donor...tama ka!

    wandering c:

    oo nga no! nyah! baka mauso na naman ang mga massacre movies at eto na ang maging bagong trend!

    ReplyDelete
  6. haaay.. kung mahuhuli ko sila itatali ko sila sa puno na may mga langgam na pula na gumagapang-gapang sa kanila tapos kukunin ko ang internal organs nila tapos susunugin ko sila. dapat lang sa kanila yun. wala silang mga puso pati batang inosente dinadamay nila.. amp! kalat na kasi dito samin (Bacoor, Cavite) sabi nagiikot-ikot na daw sila sa mga schools and nagdi-disguse silang madre.

    ReplyDelete
  7. by the way, may ginagamit silang van na puti na may plate no. na VMM 507.

    ReplyDelete
  8. di po yan totoo, if observant kau eto ang pinagmulan nyan.
    yan ay ang nangyayaring kaguluhan sa politica natin ngayon.
    clue:
    una, may txt na bombang sinasabi nila sa mga malls(bago dumating si lozada from hongkong)
    pangalawa, di mailabas-labas ang result ng board sa nursing(lagpak ang lola nyo) at timing sa pangalawang lingo ng hearing dun pa lang pinalabas
    pangatlo, dito lang sa calabarzon kumakalat yan balita na yan.remember, nung kasagsagan ng rally at yung mga rallyista sa laguna na sinabat na sila dun pa lang at dun sa bayan nila tinuloy.
    kung ikaw nga naman na mainit na sumusubaybay sa news mawawala focus mo dahil babantayan mo sa school ang iyong anak.umikot ako na palengke kanina at andaming magulang na nagsundo sa mga anak.kung yan ay totoo may pinakita na sa media ang mga police at dudumugin na ng media ang pamilya ng mga naging biktima kung meron mang nagreklamo na nawawala mga anak nila
    hehehe, observant lang po ako.
    hay salamat tapos nako

    ReplyDelete
  9. binalita na ata na hindi siya true.

    nakakatawa nga e.
    the other day may nagtext sa cousin ko na may anak.
    isa daw siya sa member ng sindikato, they named their group as "inter organ" hahaha.


    at ang pinsan ko.
    tinextmate.
    hahaha.

    ReplyDelete
  10. may ganyan din samin.. kaya bwal kami lumabas kasi malulusog pa naman kami.. :(

    kaya walang batang pakalat kalat ngayn e

    ReplyDelete
  11. Uso nga yan. Kahit dito sa manila urban legend rin yan.

    ReplyDelete
  12. hehehe...sa may cainta daw may namumutol ng ari at suso. kamusta naman 'yun.

    hula ko isnag bakla ang killer na 'yun. hahahha.

    ReplyDelete
  13. anonymous:

    may kumakalat na txt tungkol sa white van na yan.

    ate russel:

    nagaabang nga ako ng mga niktima sa tv pero walang lumalabas.

    superym:

    sigh...yung ibang lukutoy nakikiride na lang sa fad!

    dakila:

    dapat lang di pakalat-kalat ang mga bata para tahimik ang kalsada mwahahaha.

    mugen:

    spratlys na lang ata ang walang ganito hehehe.

    dn:

    nyahaha, dito may namumutol din dati pero ang pinutulan isang taong grasa, nirape sya at tinapyas ang boobies.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...