Pages

Thursday, May 1, 2008

Dugo

Ako at not so new kong kasama
si Jason na magiisang buwan na
ay palaging toxic sa admission
meaning di kami nawawalan
ng pasyente iaadmit.

So ayun na nga, lumarga at
lumaboy kami sa labas upang
bumili ng pinaglilihian nyang
pansit malabon sa Rachie's
at ako naman potato salad
at spag at juice.

Pagkatapos naming kumain
ayun na may manganganak
first baby at 7cm na.

Matapos ang admission
binalik-balikan namin
siya upang imonitor.

Mataas ang pain threshold niya
at nakakangiti pa sya
yung iba kasi halos nagtatatalon
na at humihiyaw sa sakit.

Nilagyan ko ng i.v. out ako, manipis
ang vein, inset ko sa kabila in naman.

At heto na nga si baby,
kinuha na ni jason upang icordcare
at ako naman ang assist sa pagtahe.

Kaso bloody talaga...
After siguro mga 15 min
na kakatingin sa umaagos na blood,
naramdaman ko na lang
ang panlalamig, pagkahilo
at unti-unting pagdidilim ng paningin.

Ganun na ata ang pakiramdam
ng hihimatayin.

First time.

Sa harap pa ng pasyente.

Isang nurse...nahilo...umupo.

Parang headline sa tabloid.

Sinabi ko dun sa nurse...

"Kuya Lem, nahihilo na po ako."

Naintindihan naman nila
at pinaupo na ako.

Sa isang sulok nagtanggal na me ng gloves
at sumandal sa pader.

Sanay naman kasi ako sa dugo,
pero yung walang katapusan
na mala-river, first time ko makakita.

Sa susunod alam ko medyo
matibay-tibay na ko sa ganyan
kasi exposed nako.

Puneta lang kasi!
Mas nanghina pa ko kesa
sa pasyente.
Nakakahiya talaga.

Tae ako kanina!
Ipa-flush ko lang ang sarili ko....

5 comments:

  1. ok lang yan, lahat ng first time may kakaibang feeling...

    wag ka magpa-flush, mukhang mas dein mo magugustuhan ang mga andun sa ibaba hekhek

    ReplyDelete
  2. hahaha. naku, paano pa sa tulad ko na sobrang takot sa dugo. kung may nakita akong mala amazon river ng dugo. naku, siguro uuwi akong walang tuhod sa amin.

    ReplyDelete
  3. kaya nga hindi ako nag doctor eh. may class ako nun sa UP na socor ang tawag. bale aalilain ka sa community work. napili ko e mkt med er. ayon pinahawakn ng dr yong bata na tatahiin ang ulo. ubod ng lambot ng ulo dahil sa dami ng nana at dugo.

    nagising na lang akong pinapaypayan at pinpasinghot ng amonia.

    anak o na lang pinag doktor ko.
    anyway, update my link to http://pinaymomblogs.com. tnx

    ReplyDelete
  4. ako sarili kong regla, same effect sa sinulat mo. di naman bad trip, di naman nakakahiya. Feeling ko, kaya ko pumatay ng senador, wag lang ako makakita ng dugo.

    ReplyDelete
  5. mel:
    magpaparty kami ng mga ebak sa inidoro.

    wandering c:
    naku may phobia ka nga pala! dapat nakablindfold ka sa ospital hahahaha!

    desperate:
    nyahahaha, may tagapagmana!

    gypsy:
    ganun din ako in a way, okey lang pag dugo ng iba pero pag nagkaperiod ako ng malakas di ko din matingnan kailangan pa akong akayin palabas ng banyo.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...