Pages

Sunday, June 1, 2008

Clan

Kinalolokohan nung "isa" ang
pagkakaroon ng text clan,
(Si isa ay ang aking boylet),
Ngayon lang siya kasi nagkaroon
ng sariling mobile kaya nagpaparaya
ako sa kalandian niya at pambababae.

Hindi naman sa threatened ako
may tiwala naman ako sa kanya
kahit kalahating porsyento lang.
Naiinis lang ako na patago-tago
pa siya ng mga kalandian niya.

But of course may bahid din ito
ng selos dahil alam ko mang
bawal pakialaman ang mobile
niya, sinilip ko ito...

Ayun, may katxtmate nga na
babae at sa pagkakaalam ko,
ayon sa aking ma-amnesiang
memorya ay nagkaroon sila
ng ugnayan ng babaeng ito.

Punyeta naman na may
nakasulat pang
"i love you"
at
"gising p b u"
Taksil talaga ang punyeterong ito!

Hinahayaan ko lang siya
dahil alam niya na kahit
matagal na kami hindi ko
panghihinayangan ang pagtapon
sa pinagsamahan namin
kung mangbababae din lang siya.

Kahapon din lang
nagpaalam siya na
lalabas lang saglit,
duh mga ala-una na
ng madaling-araw!
Wala na atang mabibilan
ng yosi ng ganong oras dito.

Sinilip ko ang mahiwagang
inbox at ayun nakita ko ang
mahiwagang clan message:
"Dre labas ka muna saglit,
may ipakikilala ako."

Parang tinarak na yung dibdib
ko nung minutong yun,
kaya pagbalik niya inusisa ko siya
"Mahal mo pa ba ko?"
"00 naman..."
"Ako lang ba?"
"00, wag kang makulit..."

Di na lang ako nagsalita
at nangulit pa, tumahimik nako.
Ayoko kasing makipag-away
na walang dalang concrete
na evidence.

Nasabihan ko na naman siya
noon e - sa oras na malaman
ko na may iba ka na,
automatic na yun,
burado ka na sa buhay ko.

Ang problema di niya ata
matandaan ang sinabi ko...

4 comments:

  1. yaan mo mare, dalhan kita minsan ng rubber mallet para mejo subtle naman ang pagpukpok mo sa ulo nya, haha

    magtutunog 'toink!' yun imbes na 'tagshk!'

    ReplyDelete
  2. nakupo.. ang mga lalaki talaga.

    iuntog mo sa pader ang ulo nya para matauhan!

    ReplyDelete
  3. aw sana naman na-gets na niya nung tinanong mo sya kung mahal ka pa nya... at itigil na niya kalokohan niya

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...