Pages

Sunday, June 15, 2008

Lasing

Lying on the sofa, typing
Head heavy
Mind spinning
Thoughts spilling...

I puked last night twice
and once again this morning.
I last puked when i was in
Grade 4,
I was laughing heartily at
my lola's joke i vomited.

But last night was no laughing matter...

Fuck!
0kay okay.

Talaga naman nagkatuwaan kami
Uminom kami sa Roxanne's sa PN
Ang dami pang saulog buses na nakapark
dahil sarado yung kalsada sa
san antonio dahil daw sa mardigras
kasi nga malapit na ang regada dito.

Kumain kami, uminom
apat kami,
ako si bryan ang anak-anakan ko
si ferdie na nagbalik mula sa
pagiging private nurse
at si rhon yung partner ko sa shift.

Parang team building ang nangyari
dahil kami na ang magkakagrupo sa sked.

Lumipat kami sa isang bar
malapit sa baste,
bangagers nako nun kaya
naglambitin ako sa gitna
nina bry at rhon.

My god talagang lasing kami
lahat, nagkanda-untog-untog
nako kakapunta sa cr at ngayon
ko lang napansin yung bukol.

Mabait si Ferdie at hinatid pa kami
at si rhon as usual ang pinaka
lasing hinatid pa hanggang tanza.

so andito na nga me sa haus
naghubad at humilata sa sofa
umuungol na parang tanga
dahil umiikot ang mundo ko...
pati pala tyan ko bumaligtad na.

Naglalaway ako ng maramdaman
kong napapasuka ako
Shet! sinalo ko na lang ng
dalawang kamay ko
at tumakbo nako sa cr.

Naglinis ako ng mukha
kumuha ng basahan
para punasan ang
sarili kong suka...
tae! pathetic talaga.

Humiga ako saglit ng maramdaman
ko ang pagpupumiglas
ng red horse paitaas sa lalamunan ko.
Puta! di na naman ako umabot,
sa sarili ko na namang kamay
tumapon ang emesis/vomitus.

Sa sobrang kalasingan, niyakap
ko yung bowl kasi di ko na kaya
yung antok at pagod
(Galing kami kasi ng duty
at naka-scrubsuit pa).

Kaninang umaga medyo maaga ako
nagising pero di ko maangat ang ulo ko.
Sobra nato girl! sabi ko sa sarili ko
nagiging lasinggera ka na
tapos nangyari yung pinaka-ayaw mo.
Ang sumuka.

kakaisip ko nun, naglaway ako uli
Naipwesto ko na ang ulo ko sa
bowl ng bumulwak sya!
Nahirapan ako huminga,
Tang-ina naman kung maheadlne
ako ng ganito
"Lasing na babae di nakahinga
dahil sa sariling suka!"

Na-aspirate ng lungs ko ata
yung red horse, pero buti na lang
napasuka me ulit dahil
napadaan siya sa ilong ko.

Napaisip ako, lahat na ata ng
butas nilabasan ng vomitus ko.
Nahimasmasan nako afterwards.

Di nako bumangon sa sofa,
kumain lang ako bandang hapon na.
At hanggang ngayon parang
nalutang pa din ako...

hangover iba talaga
ang tama nito.

1 comment:

  1. haha! masarap malasing kaso lang pag yung tipoong knockout/suka na walang humpay ang nakakabasag ng trip, onting sanayan pa para solid na last man standing sa susunod hekhek apir!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...