Pages

Tuesday, September 23, 2008

Mens

*Warning: Not for the faint
of heart, maari mong ikamatay
ang mga detalye sa entry nato!

Mens...
Menstruation...
Period...
Buwanang Dalaw...
Regla...
Kapulahan...
Toyo day...

Mga bansag sa
event ng pagbubuwis
ng buhay ng isang
egg cell ng mga
kababaihan.

Suicide through hormones
ng mga egg cell.

28 day cycle
yun ang normal
dapat magkaroon every month

Pag active at wala pa
lagot!
pag di active at wala pa
baka stressed ka lang.
Minsan tamang tyempo
din lang nadedelay sya.

Babae ako
pero minsan ayoko
ng mens,
ayoko din namang
magmenopause.

Naiinis lang ako
sa discomfort
sa pain
sa timing
at sa pagiging
swerte ng mga lalaki
dahil di nila
kailangang maghirap
every now and then.

hormones kasi ang may
kasalanan.
alam ko na ang mga signs,
includes the following
but not limited to it:

pimples
(giant acne volcanoes
na aktibong-aktibong
bumubukol sa mukha)

oiliness
(tipong kakaligo ko
lang at kailangan ko
uling maligo; partner in
crime ni pimples)

headache
(yung sakit na parang
pinag-aagawan ng mga
orcs at goblins ang lobes
ng utak mo sa sakit)

tender boobs
(this one i hate
kasi di ka pwede sumakay
sa pampublikong sasakyan
na dadaan sa kalsadang malubak
na di nasasaktan dahil tumatalbog ka,
hindi ata apektado ang mga
flat-chested)

pain sa puson
(kadalasang reklamo:
parang niyog na kinakayod
ang uterus)

masakit na private part
(kasi nga open ang cervix
kaya medyo sore)

mood swings
(eto ang highlight,
topak sa lahat ng walang
matinong dahilan,
nang-aaway
naninigaw
nadedepres)

etc...

Naisip ko lang
na kahit gaano kasaya
ng mga ads ng mga
female sanitary products
e di ka talaga
masisiyahan sa event nato...
madugo
(minsan may blood clots pa)
maamoy
(yes, its true aminin na)
ma-icky
(kasi dirty ang feeling)
nakakapanlambot
(takot ako sa sariling dugo)
magastos
(sa gamot especially).

Paano pa nakuha
nila sarah geronimo
na tumalon-talon
e yun nga lang
tumayo ka mula
sa upuan ang
hirap na gawin.

Maswerte kung
bahid lang minsan
at di malakas.
Paano na kung
parang gripo
at diaper na ang
kailangan para di
tagusan.

Ang safest position pa e
yung nakatayo para
di ka tagusan at di
mapilitang maglinis
ng mga kasangkapan
na namantsahan.

e paano kung
namimilipit ka din sa
sakit, kung pwede lang
na ipabugbog ang uterus
para matapos na ang hirap
gagawin ko.

Waah! Napakahirap!
Naiinis ako!
Ang swerte ng mga lalaki!

5 comments:

  1. ay neng, ganyan tlga nahihirapan din ang mga dyosa.

    ReplyDelete
  2. kami naman tagasalo nyo ng sama ng loob eh hehe peace tayu bk!

    apir!

    ReplyDelete
  3. icka!


    apir apir apir!


    mel!

    dapat lang sa inyo yun mwahahahaha!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...