Pages

Saturday, November 15, 2008

Cargo

Dumating na ang cargo
na pinadala ni mama.
Pinirmahan ko ang resibo,
binigyan ng 100 piso
pampalubag loob sa mga
nagdeliver dahil sa
mapangahas nilang pagdaan
sa teritoryo ni
shadow - ang asong nakatira sa jeep.

Pahirapan sa pagbukas
ng siksik na kahon,
parang sinaputan ng duct tape,
halatang pinahihirapan ako
ng mama ko sa pagbukas.

Ginamitan ko ng kutsilyo
at scissors, alternate kong
hiniwa hanggang sa kumalat
sa bahay ang amoy ng bago,
ang amoy ng stateside,
amoy sabon, amoy kwarto ng mama ko,
amoy mismo ng mama ko.

Inalis ko isa-isa ang may mga
pangalan ng iba, humanap ng
malaking supot para pagsama-
samahin ang kanila ng di na
mapahalo sa akin.

Binuksan ko ng marahan
ang bawat plastik na
nakapangalan sa akin.
Pagkain
Bote
Kandila
Babasagin
Libro
Damit
Card
magazine
Bag
Sabon
Iisa lang ang kulang...
ang mama ko mismo.

Kung pwede lang bang
isilid ang sarili ko sa
loob nung masikip na kahon,
para maramdaman ko
din yung haplos na ginawa
niya habang maingat na
binabalot at isinisiksik
ang mga gamit na pinadala
niya sa akin.

Sana di ko na lang binuksan
ang kahon dahil ang amoy nito
na kumalat na sa buong bahay
ay siyang amoy niya at hanapin
ko man siya san sulok dito,
wala siya, magkalayo kami,
libo-libong milya.

Kinain ko agad yung tsokolate
kahit na yun ang hinabilin niyang
wag kong agad ubusin, alam ko
na pilit nyang hinanap ang brand
na yun para lang sakin.

Kung sa iba kapag dumating
na ang kahon ng mga padala
natataranta sila sa kasiyahan
ako ayoko ito buksan dahil
kapalit ng cargong ito
ang pagkakalayo naming mag-ina.

I miss you mama.

1 comment:

  1. ola! haha.it's been a while since i last swam here in your blog.hehe.

    xD

    taga-peyups ka pala.ala lang.hehe.

    xD

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...