Pages

Friday, November 14, 2008

Tiangge

May tiangge kami
dito sa cavite
tuwing nov 1
hanggang piyesta,
which is held every
2nd sunday ng november.

Nung bata ako,
around 8 or 9,
nakapwesto pa yung mga
stalls sa kalsada,
as in sa sidewalk.

May tolda/tent
sila na itatayo
at ang paninda nila
nakaharap sa kalsada,
at puro halos laruan
ang tinda.

Meron pa nga noon
yung mga paper mache
na kabayo na kulay red
at iba-ibang size.
Iniiyakan ko yun
dahil madalas yung maliit
na kabayo lang ang
ibinibili para sakin.

Nagkaroon din ako ng medium
na red horsy at nagpanggap
ako na prinsesa ako
at unicorn ko sya
with matching good morning
towel sa likod niya parang
saddle.

Pathetic kasi childhood ko,
only kid kaya kalaro ko
lang ang isip ko.

Ang saya nun pag piyesta,
talagang nagsasara ang kalsada,
lawa ang pagkain at talagang
dinadayo ng taga-labas.

May mga napuntahan
kaming mayayaman na
nagpapacater pa o kaya
nagpapakatay ng baboy
at baka para lang sa
piyesta.

At di pa ganun kabastos
at kagulo yung mga lasinggero,
bihira yung mga
naghahamon ng away
kasi madalas logtu na sa
kalasingan ang lahat.

Baka kasi bata pa ako nun
kaya di ko pansin
ngayon kasi na adult ako
siyempre mas bastusin
ang dating ko sa mga
lasinggero kaya pansin ko na.

kahit yung mga common tao
naghahanda 2 araw pa lang
bago ang piyesta namamalengke
na at puno na ng ube, itlog,
gatas, karne, patatas, kamatis
at iba pa yung mga pinamili nila.

kumpleto pa pati dessert,
leche flan, ube, gelatine,
macapuno, yung mga minatamis
sa bote na pahirapan buksan.

Naalala ko trabaho naming
magpinsan, ang maging
asungot at guluhin ang kusina.
pag sinigawan kami at pinalayas,
mga 5min lang bumabalik na
kami na parang mga langaw
na may magnet para magkalat
uli at inisin ang lola ko.

Taga tikim din kami ng finished
product at tagalinis ng pinag-gamitan,
kasi dinidilaan namin ang lahat.

Panahon ang piyesta para
sa poon, sa bisita at para
sa pagbundat ng tiyan.
Ngayon, maswerte na kung
may delata at kanin sa lamesa.

Ang lungkot lungkot ng
mabuhay sa panahong ito.
Unfortunately time only moves forward
and never back.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...