Pages

Friday, December 5, 2008

Party

Omg effing fuck
ang araw nato
matapos namin magplano
ng exchange gift na tig 100
kasama ang mga staff
at volunteers (included ang
mga nagvolunteer na in the past)
e magkakaproblema kami
dahil sa kadamutan ng iba.

May monito-monita kami
once a week e magbibigay
ka ng themed gift sa monito
something naughty
childish, colorful, at useless.
20 to 50 pesos lang naman.

Tapos bubuksan ito sa
mismong party at dun din
yung finale na exchange gift
na worth 100 pesos.

So eto kami kanina
gumawa kami ng wishlist
para sa bunutan included
ang lahat mapa-staff
at volunteer (past/present alike).

Sulat pako na wish
ko si kiko from survivor,
n73, piggybank o kaya
100pesos na globe load
(last two lang ang totoo).

Yung iba lalake ang hiningi
yung iba kotse, yung iba
kaweng-wengan talaga.
May abusado pa na
nanghingi ng crib/bathtub
dahil manganganak na siya.

Kala ko okey na at
plantsado ang lahat,
come dinner masaya pa kami
kaso pagbalik tinawag kami
nung bruha at nagpoint-out
siya na baka magkaproblema
kami dahil catered daw yung party
at good for 70 + 10 people lang
at bilang na ang bibigyan ng token chuva.

Bakit daw isinama yung mga
volunteer na wala na.
Napaisip ako pero nagngingit-ngit
nako sa inis.
Sabi ko okey gets ko yung point
baka nga masyado kami
nanguna at sa sobrang excited
e na-overlook namin
na kasama din nga pala
sa party ang mga kamag-anakan
ng staff.

Punto nila baka magalit
ang chief namin dahil limited
ang budget at sadyang sakto
lang ang pera at pagkain.

Back to the planning board
tuloy kami sabi ko better out
with the truth, magmass txt
kami ng apology with matching
explanation para maplantsa
ang isyu, kahit ako na ang magfront.

Naisip naman nung isa kong
kasama na isangguni ito sa
kaitas-taasan para makumpirma
kung talagang di sila pwede papuntahin
dahil di sila bilang sa food.

Kinontak namin yung isa pang
organizer at sabi niya alam na daw
ito ng chief namin e duda ako
sa kabuuan ng kwento niya.

So sumangguni pa kami sa
isang kaclose na staff at sabi niya
last year daw e pati yung mga
duty na student at past volunteer
ay napakain at lawa daw sa food.

Sabi nung isa pang staff
baka naman daw dahil bilang
na yung bibigyan ng token at
cash gift kaya nililimitahan yung
party goers at crashers.

Kaso nalaman namin na
yung band ng volunteers e
binayaran pala?
As in tutugtog na band.
What? Ano 'to?
Bayad sila? Tae talaga.
Sana mp3 player na lang
ang isalpak sa audio
makakapili ka pa ng genre
at repertoire.

Habol lang namin
na magkasama-sama
lahat.

Alam din naman nila
na nag-oorganize kami
ng event para sa lahat,
past at present tapos
may restrictions pala
na di agad nasabi.

Kaso yung restrictions,
galing lang dun sa nag-iisang
chizmoza na nagmamarunong.
Wala naman daw nilagay na restrictions
dun sa number na ica-cater?

Isa pa mas marunong pa siya sa
staff e volunteer din sya?
Ang siste mas pinagkatiwalaan
sya kesa sa staff patungkol
sa ganung info?

Lamunin niya yung pagkain,
ampao at exchange gift niya.
Mapag-gawa siya ng usap.

Nakakatwa pa nito habang
isinasangguni namin
ang aming plight sa ka-close naming
staff e lumabas siya ng DR
upang makitsismis ahem
makinig sa usapan namin.

Di talaga mwawala sa
community ang mga tsismosa.
Mahalaga sila - bilang source
of entertainment (dahil nakakatawa
sila kung paano sila manguha ng gossip)
at bilang ehemplo ng mga di
dapat tularan.

Kaya ako,
I'm thankful malilimutin ako
kasi yung mga secrets
na pwedeng kong ikalat
e nalilimutan ko na agad
kaya safe sila sakin.

Dapat talaga tapyasin
ang nguso ng mga tsismosa.
Tae! Taengina!

3 comments:

  1. astig.

    dpat dun i-kill!!!

    o kaya ihagis sa mga participants ng oblation run sa 12/17. lol!

    xD

    ReplyDelete
  2. naku officially patay na siya sakin but not before i give her a piece of my mind kung saan maiiwan siyang emotionally at mentally scarred. mwahahahahaha

    ReplyDelete
  3. magaling.

    *apir*

    haha.
    revenge!

    xD

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...