Pages

Thursday, December 18, 2008

Chasmosaurus

And so nagsumbong siya
I mean nagkunwari siyang
di magsusumbong pero
ganun din pala.

Picking up the story,
nagkasundo kaming na
ang kakausap sa bossing namin
para linawin ang fiasco
e si taeng rhonn,
dahil anak siya ng diyos.

kaso ang ginawa ni chasmosaurus
e tumawag siya ng 6am
sa bahay ng bossing namin
para lang itanong kung nakausap
na ba daw kami tungkol
sa isyu/kaguluhan ng
exchange gift.

Nagalit si bossing...

At kami ni rhonn alumpihit
dahil ang usapan kami ang
makikipagnegosasyon tapos
siya din pala ang walang
palabra de honor at
nanguna pa sa amin.

Tae, sanlibong tipak ng tae!

Buti na lang at di nasabon si rhonn
dahil nga anak siya ng diyos.

Bumulaga kay chasmosaurus
ang ginawa niya,
instant karma kaya hayun
di nya kami kinakausap
at kami din sa kanya.

Usapan na namin sa shift
na wala ng lalabas pang komento
tungkol sa nangyari kaso
siya ata ang nagdadakdak
ng lahat.

Tinext niya si rhonn
tinatanong kung galit kami
obviously may samaan ng
loob ang lahat.

Tama ang txt nung isa
ng sinabi niya na wala na yun
pero mas maigi na parang
wala na lang plastikan na pakikipag
interaction kami sa kanya.

Sinabihan pa kami na wag daw
dumagdag sa problema niya
at madami syang iniisip.

Hiniritan siya nung isa na
lahat tayo may problema
kanya-kanya lang ang
diskarte sa pagdadala.
Sapul siya at hanggang
ngayon dedmahan
pa rin ang lahat.

Nasaan ang spirit of xmas
at di sya makuhang patawarin?
Wala!
Gone!
Tsupi!
Para sakin, pareho kaming
walang kailangan sa isa't-isa
kaya wala kaming interaction.
Oo, mataas ang pride namin
at matigas ang mga puso,
pero that's reality, kung basag na
at puro lamat na ang salamin
mahirap na itong isalvage pa.

Napakadaling magforgive
salita lang ito kadalasan,
labas sa ilong na pangako.

Pero yung kalimutan ang sakit?
yung inconvenience? yung trauma?
Tumatatak yun e?
Di lang sa sarili kundi sa pananaw ng iba.

Amnesiacs lang ang tunay na nakakalimot.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...