Pages

Monday, December 22, 2008

Puking

The other day reunion
ng haiskul batch namin
sa Padis point with
matching south border
concert libre lahat,
entrance, drinks, food
courtesy ng kapatid ng may-ari.
kabatch namin kasi kaya go lang.

5 lang kami mula sa highest section
na nakarating so naturalesa
na kutyain kami at paringgan.
Hahaha! nakakamiss talaga ang
haiskul days grabe!
Sana 16 na lang ako forever.

Nagkabalitaan din kami,
yung karamihan ng mga
girls may mga anak na
at asawa yung mga lalaki
na kilabot ng sang kahaiskulan
ayun mga bagong kasal din.

Kaming 5 wala kami masabi,
either attached, kakabreak,
babaeng bakla or single kami.
Ganun lang talaga e.

So ayun naka 6 or 7 bote din
ako ng san mig.
Plus yung lecheng kulay green
na concoction na ang tawag
nila mindoro slinger kasi mukha
siyang bag ng mga katutubo,
more like lalagyan ng arrows.
May gripo ito sa ilalim at dun mo
ilalagay ang baso para makatagay ka.

E walang laman ang tyan ko
talagang alcohol na alcohol lang.
May pulutan man nachos lang,
san umabot yun?

Nagsayawan pa kami after
ng 6 songs ng south border
(bitin ang concert)
disco sa kadiliman
habang ang iba naming batchmate
e nagkakanya-kanya na.

Pinashot pa kami ng pina shot
at para nakong kawayan na tumutupi
sa hagupit ng alak, pinipilit kong wag
mabuwal kaso para lang akong sirkera
na kumakapit sa trak dahil umiikot na mundo ko.

Naawa samin kabatchmate ko
at pinahatid kami sa kuya niya.
At ayun nagsuka ako sa kotse
buti na lang di ko nasukahan
ang lecheng mamahalin kong bag
kundi yung plastic container ng wet ones ko.

Ang huling natatandaan ko e
yung paghingi ko ng sori
dahil i puked, ang pagslam sa pinto
ng kotse at ewan ko ba kung paano
ako nakapag-apparate tungo sa
bahay.

Ang sumunod na memorya ko ay
ang paghingi ng plastic bag mula
kay boypren - buti gising pa siya.
Tapos nun wala na alam ko lang
na umuungol lang ako sa hilo.

Nagising ako ng umaga na sing
bigat ng toneladang bato ang ulo,
it took me all my strength to stand up
and not actually crawl to the bathroom.

Nagising din si boypren dahil sakin,
agad akong humingi ng plastic bag.
suka...
puke...
vomit...
wala ng malabas ang tyan ko
pigang-piga na pero pagkatapos nun
naginhawaan nako.

Ito na siguro yung pangalawang episode
na lasing na lasing ako
kase sumusuka nako putcha.
Siguro laman loob ko na at liver ang
susunod na lalabas sakin.

kinahapunan may party pa kami ulit
at nagpuntahan kami sa haus
ng mga doctor para maginom,
naka 2 red horse lang ako
kasi alam ko ng di ko kakayanin
pero ayun si ron naman ang nalasing
sumuka pa sa patio at di sa damuhan
may pagkawarfreak din ang mokong
at hinahanap yung mga nakaalitan
niya dati.

wow talaga ang linggong ito.
grabe.
hinahanap ko pa rin yung canister ng suka ko
dahil di ko malaman kung saan ko sya nailagay
at di rin masabi ng tropa ko kung asan yun
weeeeh....

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...