Pages

Wednesday, June 24, 2009

Regada

Regada?
Regada!
Pfffttt!

Duty ako today
kahit regada (san juan/basaan)
kasi nilipat nako ako sa
permanent morning
kaya hirap ako gumising araw-araw.

Buti na lang iisa na lang ang
pasyente dahil pinauwi na ni Mam Sarah
lahat kaya ayun doble purpose.

Nalinis ang facilities at
napinturahan ang ward ng
bonggang bonggang
malicious green with matching
bagong tahing kurtina.

Masaya pa naman magregada
ngayon dahil nabagyo at di mainit.
Signal #1 na kasi ang Cavite.

Merong pasyente na dumating
pero pinalipat din namin dahil
wala kaming duktor.

Meron ding bading na sumali
sa costume contest na nakapanty
na may plastic flowers na nakatahi
ang dinala sa amin dahil
nawak-wak lang naman
ang paa ng bakla.

Paano tumalon sa bakanteng lote na baha
ayun nabubog siguro kaya
dali-daling tinahi ang paa niya
at tinurukan ng anti-tetano.

May dumating din samin
na dayuhan na belarusian
ayun napilitan ang pilipit
kong dila na mag-ingles.

May sugat din siya sa paa
kaso nagnanaknak na at
medyo madumi, paano nga naman
gagaling ang maduming paa.
At pasaway din sya ha,
mas marunong pa samin.

Ayun napasabak din yung ibang voluntir
sa inglisan sabi ko praktis na
nila yan pang IELTS hahahaha.

Nawiwili na din ako sa
R4 card ng nintendo DS
ko madami na din akong nadownload na laro
kaya busy na ako ngayon kakahanap
ng mga walkthrough.

Sana ganito na lang lagi - cloudy!

1 comment:

  1. anong regada? regade? haha. may regade ba? haha.

    kinke
    ~word verification. haha

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...