Pages

Monday, June 8, 2009

Suweldo

Wow!
Ang galing ng gobyerno!

Ayon sa blog na itch:
blog post
e magkakagulo ang
sweldo ng mga
public health workers
at may nabasa din ako somewhere na
baka matanggal din
ang kanilang magna carta
for health workers stipend.

Haler!
Paano na kaming mga volunteer
at walang suweldo?
Tutunganga na kami sa kawalan?
Dapat magsipag-abroad
na lahat para gobyerno
na lang matira sa Pinas
mwahahahahaha !!!

Dapat kasi salary grade (SG) 15
na may sweldong 24k ang
isang bagong nars kaso
ang katotohanan e nasa SG 10 or
12k lang talaga ang sweldo nila.
[see article]

Naman!
E paano kaming mga
sandamakmak na aping
bagong at not so
bagong grads?
SG -0 x infinity kami?
kasi wala kaming sweldo?

Nasa nursing law (RA 9173)
na dapat e SG 15 talaga ang
starting sweldo ng isang bagong nars
kaso eto nga mukhang nagkaisa
ang lower at upper house ng congress
na pagdusahin ang karamihan
at kamkamin ang pera ng iba
sa papagitan ng pag manipula sa batas.
Heto ang stand ng PNA
sa isyung ito.

Alam ko wala namang paghuhugutan ng
malaking budget ang gobyerno para sustenahan
ang naunang SG15 na sweldo pero
sana wag na sila magcreate pa ng mas
malaking chaos dahil sa paggawa ng batas
na hindi rooted sa realidad.

Pulsuhan naman sana nila ang
pangangailangan ng tao
at di ang tawag ng bulsa nila.



2 comments:

  1. Tsk-tsk

    Kaya maraming nars ang nasa colcenter. Hay.

    ReplyDelete
  2. been there.
    done that.
    lated 2 months
    and
    hated it :(

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...