Pages

Friday, July 24, 2009

Nakakabobo

Have you watched the tv lately?
Ako balita na lang talaga,
at yung early morning shows,
perhaps a little news or docu here
pero yung entertainment part,
internet na ang nagsusustena
ng addiction ko.

Kapuso ako not by choice
but by circumstances,
walang antenna ang tv ko,
walang remote control,
may kable lang siya sa likod na
ginagalaw-galaw pag snowy
yung picture.

kahit pa siguro magkaroon
ako ng kapamilya channel,
malamang balita lang
ang papanoorin ko.

Natatanga kasi ako
pag nanonood ng tv,
especially yung mga bwisit
na teleserye.

Bukod sa ang titigas
umarte - parang mga
bato at tuod, yung mga
story at plot ng mga palabas
walang originality tapos
puro extension pa at isisingit lahat
ng artista at janitor na extra
para may cameo at role ang lahat.

Si pacquiao na lang e,
di pa nakunteto sa sports,
pati politcs at showbiz
pinasok na din.
Tae!

Walang katuturan pa minsan
yung mga istorya.
I mean nung bata ako
ganun pa rin naman hanggang ngayon,
walang pinagbago
corny pa rin.

Parang umiikot lang lagi
yung mga plot sa
kahirapan,

pag-ibig ng magkakaibang antas
(estado, karangyaan, edad etc),

sex,
karahasan,
gantihan,
plus

yung mga xerox copy na adaptations
kuno ng local folklore natin.

Hanggang dun na lang ba?

Napanood ko yung isang docu
tungkol sa pagbigay ng mababang rating
ng MTRCB sa ilang pelikula alternatibo.

I think may point naman
ang bawat kampo kaso minsan,
yung visualization ng director
e hindi tugma sa storya,
sa pangangailangan ng manonood,
at ng society.

Art for arts sake.
art na isa lang ang perspective.
art na walang depth,
art na iisa lang ang facet
selfish na art.
art that does not break the mold.
art na luma at nilulumot na
art na gasgas na.

Ang uri pa naman ng "art"
na prevalent ngayon e laging may
temang sekswal,
but of course given ito,
normal na gawain ng tao,
pero not unless na gumagawa sila
ng isang flick about
sexual perversions,
sexual diseases,
sexual posistions,
sexual deviancies
the sex industry itself
e dapat wag itong gawing
main focus ng story just
because sex sells.

Ang boring at ang babaw naman.

Kaya andaming lumalaking bobo
dito sa Pinas e.

pambansang laro: pinoy henyo
(although may katuturan ito ng kaunti)

pambansang ibon: mulawin

pampansang ulam: spaghetti or
lucky me (dahil sa kahirapan)

pambansang prutas: fruit cocktail

pagbilim po ng colgate yung happee!

tae!

ang tatanga!

pati yung common sense
na delikado magmotor lalo
na kung walang helmet
kasi mababasag ang bungo nila
at magkakalat pa ng utak
sa kalasada na kailangan pang
limasin ng mga pulis oyster
na wala din alam, ni hindi alam
kung ano ang oyster.

ang tatanga.

ang tanga ko din
dahil pinansin ko pa ito.

umikot na naman ang mundo
sa araw ng walang dulot na pagbabago.

Sus!

3 comments:

  1. haha! TAMA! per wag ka, nanonood ako ng tagalized korean dramas. haha. laff trip! haha. meron sa GMA yung puno ng violence. yay, violence! :D

    ReplyDelete
  2. pag comedy lang yung koreanovela; sawa nako sa malungkot eh hahahaha.

    apir!

    ReplyDelete
  3. acutally, di sya comedy. haha. ewan nga. natatawa ako kahit na drama sya. meron pang isang japanese drama sa GMA noon,eh. tungkol sa may sakit, One Liter of Tears ata yung title. natatawa lang ako. haha. evil. :D

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...