Pages

Monday, July 20, 2009

Noob/Newbies

Relegated na ata ako
mag-orient sa mga bagong
volunteer every week.
kasi nga nyora na ako dun,
pinakadamatans na voluntir.

As in ewan ko ba,
10 bed capacity lang ang
lying-in namin pero
dito nagsisiksikan lahat
ng mga bagong grad
at not-so-bago-haler!-i-flunked-
the-board-exam-for-the-nth-time.
(ok nga yun e para makakuha
muna ng experience bago magreview
at ichallenge uli ang board)

imagine naman ang
istsura namin na minsan
5 bagong orientees
5 lumang volunteer
2 duty staff
2 permanent A.M. staff
tapos ang pasyente 3
pauwi pa!

e kaunti na nga lang ang
pasyente tapos sa sobrang
gulo di na malaman kung ano
ang nagawa na sa hindi
pa nagagawa.

so back to the orientation part.
ayun tagapag-orient nga ako
ng mga bagong sabak.
ikutin ang buong building
ipakita ang mga kwarto.
ituro san nakatago ang mga anik-anik.
pagsabihan sa mga policies
at procedures.

okey lang kung magtatagal e
kaso kung 3 araw lang mawawala
na aba e umpisa pa lang magsabi na
kasi naman may mga bago na mas
willing matuto na gustong pumasok.

buti pa si ate kanina
as in ang dami na nyang
achievement pero dahil
sa vocation niya ang nursing
talagang pinursue niya ito
at pumasok sa amin kahit
walang sweldo.

thats absolute dedication!
di katulad ng iba dahil
nga sa pinilit lang magnursing
parang laro lang susulpot lilitaw
or kaya parang ice cream natutunaw
na lang sa kawalan.

kaya come next week ayun
may 2 na naman na bagong
magsusumiksik sa amin,
e mukhang alam ko na
hindi sila magtatagal,
sana magback-out na lang
sila habang maaga pa.

tsupeee!
and
make way!

1 comment:

  1. aba. amazing si ate yeba! haha. san ba yan? :D magpapa-check up ako. haha

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...