Pages

Sunday, July 19, 2009

Pinoy Caste System (local version)

Ang ciudad ng Cavite
ay maliit at may halos wala
pang 5 distrito
(base sa kung ilang health center
kami mayroon)
San Antonio
San Roque
Santa Cruz
Caridad
at alam kong may isa pa
na di ko natatandaan.

Maliit lang itong lugar namin
at halos lahat ay magkakaugnay
(mga pamilya kuyog/herd kung sumugod)
or magkakakilala na.

May sarili ding dialect
ang mga natives dito,
eto yung Chabacano.
lolo ko at mga tiyahin marunong
nito, Mama ko nakakaintindi lang
pero hindi masyado matatas,
ako hindi na napagtiyagaan na
turuan pa.

Marami na din dayo dito noon pa man,
yung mga taal o tunay na kabitenyo kasi
either may lahing kastilaloy
or lahing timawa o sanguguilid.

Isa pa maiitim talaga ang mga kabitenyo
palibhasa either mga mangingisda
yung karamihan o kaya
nakababad buong araw sa bukid/kapihan
(tulad ng mga sosyal na farmers sa uplands
ng Cavite - Tagaytay/Alfonso/Silang/etc)

Madami din kaming mga
lecheng Instik na nagmamay-ari na
halos buong city at sila din
ang may hawak ng pulitika dito.
Of course sa kanila din yung
mga malalaking grocery at hardware shops.

Umaapaw na din ang mga dayo dito,
dati mga Bisaya lang,
kasi nga ang dali ng byahe papuntang
Manila kung nakabase ka dito.
Nung nasa squatters pa kami,
laging may rambulan ang mga
bisaya at mga kabitenyo;
as in batuhan at saksakan.

Siyempre love your own
kaya dun kami sa Kabitenyo,
galit kasi minsan yung mga lokals
sa dayo kasi yung mga trabaho na
dapat ma-alott sa mga lokals
(especially sa EPZA) e napupunta
sa mga dayo tapos minsan
maangas pa at magugulo.
(pero thats another story)


At dahil matagal na rin na city
ang area namin, may mga
"levelling" chuva ang society dito.

Kadalasan makikita mo ito sa gimikan
at mga lasingan kung saan may alak/
droga/babae/bisyo atbp.

1.Anak Mayaman:

1.1 maaring galing sa mga old rich na mga pamilya:
anak ng mga maharlika ng society

1.1.a anak ng mga kastilaloy na pamilya
(yung mga may kastilaloy na surname at
ibang kaputian sa balat na hindi dulot
ng bleaching, mena o ng gluta)

1.1.b anak ng mga political dynasty
(understood na yun na ang nepotismo
ay parte na ng kultura natin)

1.1.c anak ng mga propesyonal na nagsalin-lahi na
(ano pa bang kurso ang ipapaaral mo sa
mga supling mo kung ikaw ay isang duktor o
lawyer e di siyempre yun din; kaya ang mga career
na yan nagkakaroon ng mga the II, III,IV,V)

1.2 mga new rich na pamilya na either kumita
ang tinayong restaurant or nagboom ang
finances dahil OCW ang magulang.
(kadalasan mas mayabang ang mga new rich
at hindi nangingimi ipakita sa mga hampaslupa
ang kanilang 3 mobile phones at ang susi sa
bagong tsikot na ride nila)

1.3 ang mga balikbayan:
known talaga sa pagkamaangas ang mga kabitenyo,
may pagkamayabang din talaga, inherent na ito.
siyempre ang mga bagong dating parang toilet paper lang
na tinatapon ang mga datung pero pagbalik sa mga
trabaho abroad akalain mo bang tagapunas lang sila ng pwet
or taga linis ng kubeta ang mga iyan.


2. Mga Dugyot

2.1 Mga dugyot na sawi sa buhay
Yung mga tipong nagkapatong-patong na
ang mga problema e mas pinili pang maglasing
para makalimutan panandali ang sitwasyon niya;
tipong kung ang problema niya ay kawalan ng pera,
hihiram siya ng pera para makatoma at makalimutan
na wala siyang pera in the first place. Gago ang tawag dun.

2.2 Iskwater dugyot
Mga mapagpanggap na mga iskwatero at iskwatera;
papasok sa isang lugar na iisa lang ang outfit yung
mga akward stiped na polo shirts para sa mga boys
at ang kupas na pambhay/panlakad na neon halter top
plus pekpek shorts for girls tapos ang dala lang pera, isang daan
kulang pang pulutan, maglalasing ng todo- gabangenge
magwawala, maghahamon, masasapak at uuwi na parang aso
na nakatupi pilalim ang buntot nila.-

2.3 Sundalong dugyot
Parang langaw sa dami ang mga bars dito
siyempre catering to our 2 military bases
na useless dito (free utilities at rent).
So kung saan may sundalo may mga GRO
kaya ayun nakikita mo ang kadugyutan
na kamanyakan ng mga iyan samantalang
halos mabaliw na ang mga asawa nila sa
pag-iintay sa kanila.
(Nasa likod lang ng workplace ko ang
Social Hygiene Center kung saan monthly
ineexamine ang mga GRO para sa mga
STD/HIV; lo and behold madami na din pala
kaming HIV cases at yung iba alam nila na
positive sila pero sige pa rin sa pagbenta ng
pudenda/genitals nila.

3. Mga In-betweens
Yung mga nakakaipon tapos gigimik lang ng minsan.
Yung napakabland ng buhay at halos di mo na
maramdaman ang existence.


Mas maigi pa ata maging #3 kesa
maging notorious o popular.
Gitna lang, tamang balanse.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...