Pages

Sunday, August 2, 2009

OCW

Gustong-gusto ko ng umalis,
mag-ibang bansa,
be a slave to a western country.

Lahat na ata ng posting
sa internet inapplyan ko na.

Kakatuwa naman kasi,
actually nakakainis,
na sa tuwing makukumpleto
ko na yung required years of
experience ay siya naman bilis
ng pagpalit ng requirements.

Tulad ng posts para sa KSA,
1 year lang daw nung
pagtingin ko ulit 2 years na.
Ngayon naman ang trend ay 3 years,
meron na ngang 4-5 years e.

Tae pala tong mga ito e,
sabihin na lang nila na ayaw
nila sa mga nurses na
nag-grad ng year ganito
hanggang ganyan para
mas madali!

May mga classmate
ako na nakaalis na din,yung ka-close
ko sa KSA siya napadpad.

(wala akong bilib sa mga
nurses na puro US ang utak at
bukangbibig lagi ang NCLEX leche!)

Ang tapang kasi niya,
first time nyang mapalayo sa
pamilya sa isang kulturang
kulong at medyo backward

(to be culturally sensitive at
wag matawag na ethnocentrist -
mayroon tayong cultural disparity)

Akalain mo gimikera yun,
at mababaw din ang luha minsan,
close-knit yung family nila
pero kinaya niya.

Ako kasi sa tuwing naiisip ko
na mawawala ako sa comfort zone
ko kumakabog na ang dibdib ko.

Ni hindi nga ako makaluwas ng
lampas sa Lawton dahil talagang
naiiyak ako.

Nalala ko nung nasa unibersidad
pa ako at naging requirement
namin ang pamumundok or
rural integration chuva.

Buhay pa ang Papa ko noon,
pero gustong kong sabihin
sa kanya na gagawin ko ang lahat
para lang kunin niyo ako
kahit wala na akong diploma,
wag lang akong mamundok.

Actually sa Mama ko sinabi yun
hahaha, sabi ko kung pwede lang
mag-shift na ginawa ko;
pareho man kami ni Mama ng
opinyon (sang-ayon siya
na wag na ako ipatapon sa bundok)
nasunod din ang mga professor
at ayun 1.5 months na nga ang nakalipas.

Bumalik akong malibag
mabaho, maitim,
nangayayat ng unti at more
importantly may bagong perspektibo.

Pero ngayon, sa tuwing
sumasagi sa isip ko ang
pagiging OCW nanlalambot ako,
ako kasi ang gagawa ng lahat
at ang tamad ko pa naman.

Kung anong sipag ko sa trabaho,
siyang kabaligtaran ko sa bahay;
inaahas at parang haunted house
sa dumi ng bahay ko.

Isa pa makikibagay ka ulit.

Nag-message nga sa akin
ang friend ko, sabi niya
ibang-iba daw talaga ang
buhay sa abroad,
busy na sa trabaho pagka-uwi
mo aasikasuhin mo pa daw
ang sarili mo...

kain...
tulog...
pasok...
laba...

Tapos utusan pa siya ngayon dahil
nga neophyte siya, siyempre
power trip ang mga seniors.

Pero bakit pako lalayo,
ang sarili kong Mama,
grade 6 pa lang ako OCW na siya,
umiiyak ako tuwing bibilinan niya ako
noon na kailangan niyang
umalis para sa akin.

Actually hanggang ngayon naiiyak ako
kasi first time ko mawalay sa kanya
noon at hindi siya nakaabot sa graduation ko.

Ang tapang niya kasi,
nag-apply siya ng trabaho
kahit maysakit siya -
may SLE or lupus kasi siya.

Pwedeng niyang ikamatay ang
mismong pag-alis niya dahil
pa lang sa stress e yun pa kayang
pagtrabaho sa mainit sa KSA...

Para sa akin,
bayani ang mga ina,
mas lao na kung OCW, kasi
tinitiis nila ang mawalay
sa mga anak...

kakayanin ko din kaya,
pag ako na ang kinailangang
mag-OCW?

as if may choice ako di ba?
bulok dito ang sistema;
ganun din naman sa
ibang bansa pero at least doon
may sweldo dito wala.

11 comments:

  1. noooo. wag kang aalis. di ka na na-konsensya. haha. brain drain, sis! brain drain. haha.

    gawa tayo ng campaign na ala-Ako Mismo-shit na para mag-improve ang sistem dito. haha

    ReplyDelete
  2. just like you ako ay isang unemployed nurse na stuck sa pinas..hehe

    ReplyDelete
  3. dedpish:

    waaah! anong brain? lalo akong nabobobo habang tumatagal dito; paano magkakabrain drain e sandamukal naman ang mga nurses dito mwahahahahah.

    jul-used:

    ang dami natin! pwede tayong magtayo ng isang organisadong partido para sa botohan next year; para sa party list system!

    ReplyDelete
  4. oo nga. haha. trend ang nursing career dito.hah! haha.
    sige, alis ka na. lol.


    on ang dami natin! pwede tayong magtayo ng isang organisadong partido para sa botohan next year; para sa party list system!
    -ayos yun,ah. haha.

    ReplyDelete
  5. dedpish!

    magtayo ka din ng partido tapos mag-aalyansa tayo! Partido ng mga Pasyente at ng mga Nars. hahahahaha

    ReplyDelete
  6. partido ng mga alyansa! yay. para one big family tayo. haha. korni.

    ReplyDelete
  7. maghunus-dili ka.. pakinggan mo ang panaghoy ng iyong kunsensiya....

    ReplyDelete
  8. thanks for vising my blog. anyway, i understand there's a lot of hassles involved in applying for a working visa. why don't you just go for an immigrant visa to the u.s. and canada? it'll take longer, but it's worth it in the long run. once you've arrived, you won't have a problem getting a job as a nurse.

    ReplyDelete
  9. goryo!

    medyo desidido nako sa pag-aalis ang problema na lang ay ang how at when dahil wala akong sweldo kaya wala akong pera :(

    plaridel!

    as much as my mom vehemently insists that the US is the bastion of excellence in nursing practice/reseach/education, i would like to immerse myself in a culture i am more accustomed; i am half-swiss you see and my mom is in the uk... besides money makes the world go around at wala akong pera.

    besides itinuro ng UP na ang salot ng socio-politico-economic downfall ng mundo ay ang mga kano!
    hahahahaha lol :)

    dont worry makakarating din siguro ako somewhere; thanks sa advice!

    ReplyDelete
  10. there's nothing wrong applying for an immigrant visa to the u.s. or canada. you may think you don't really want to live there now, but what about in the future? like most things, perspectives change. i believe it takes about 4-5 years to get your visa approved. by then, you can decide whether you want to go through it or not. think about it. you've got nothing to lose.

    ReplyDelete
  11. plaridel:

    pang-europe ako hahaha!
    mag-aasawa na lang ata ako ng matandang bulag na mayaman na kano lol!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...