Pages

Wednesday, September 16, 2009

Bingi temporarily

Yup, bingi ako temporarily
dahil sa lubog na sipon,
according kay Mama.

Now I do not really
know what lubog na sipon is
but i am guessing ito yung mga
naipon kong uhog sa sinuses.

Di ko nga maibaba ang ulo
ko dahil para siyang puputok.
Hindi pa naman kulay green
ang sipon ko pero malapit-lapit
na, ibig sabihin kailangan na
talagang mag-antibiotics.

Maarte pa naman ang
katawan ko at may
penicillin allergy siya.

Eto ulit nangungulit,
absent na naman, ilang araw na din.
Kesa naman maging salot at
manghawa pa ipapahinga
ko na lang.

Dumaan nga pala ang mga
friends ko nung nakalipas,
namiss ko sila - sina Jen at
si Reims kaso wala talaga
ako sa mood makihalubilo
at mukhang pagod na din
sila from their other lakad.

Pinagtripan na lang namin yung
pusa ko, binigyan ko ng
nakarolyong medyas at ayun
sinisipa-sipa at binubugbog nung pusa.

Wala masyadong happening
sa akin tutal bumabalik na ulit
ang pagiging reclusive ko.

Madami din akong realizations kaso
nakalimutan ko na.
Hmm, may naalala pala ako

Alcohol + me = plain wrong.

Basta ayoko na sa alak,
sa pagbabalik-tanaw ko
sa mga buwan na nahumaling
ako sa alak wala akong napala
sa kanya, nasayang lang ang oras
at pera ko, wala naman akong napulot or
natutunang iba.

Siguro yung mga kasama ko meron
pero ako ? Pinahamak lang ako nito.

Malamang sa ibang tao,
ok sa kanila ang alak, carry nila e.
Ako di ko talaga carry.
Pangluto lang talaga ang silbi
ng alak sa akin.

Never again.
Siguro.
Ayokong magsalita ng tapos.

3 comments:

  1. lubog na sipon.

    haha.
    wag ka nga.haha

    ReplyDelete
  2. dedpish:

    hahaha, sabi ng mama ko e.
    mothers know best daw!
    hahahaha.

    chikletz:
    salamat!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...