Pages

Sunday, September 27, 2009

Disaster

Grabe!
Signal number 1 lang ang
Metro Manila naging calamity
area ang buong area.

Kala ko parang wala lang,
konting lakas lang ng hangin
tapos siyam-siyam na ulan.

Nagbrown-out pa nga dito
sa Cavite mga almost 24 hours
na din ata tapos nagising ako kanina
gabi na kasi nga malamig ang
panahon.

Pagbukas ko ng tv,
kaboom!
Disaster area!
Imagine pati Makati at
Ortigas binaha?

Yung mga subterranean walkway nila
or underpass lubog sa baha!

Worse na yung mga lugar na
katabi ng mga bodies of water
like Marikina.

Nanonood ako kanina ng
special edition na report
nina Mel Tiangco; naiyak ako dun sa
mama na nagsabi na wala silang
naisalba kundi sarili nila
pero sabi niya habang may buhay
may pag-asa.

Tapos yung ibang mga tao,
nababad na sa bubong nila kahit na
singtaas na ng bubong nila ang baha.

Ang mas nakakatakot nasa urbanized
metropolis sila, magagandang area na yung iba,
bihira na silang masalanta pero grabe ang
epekto ng bagyo.

Ano ba talaga ang nangyari?
Bakit nagkaganon?
Napapaisip ako dahil di ako
makapaniwala na parang nag-flash flood
at ang ang daming namatay.

Saan ba galing yung tubig?
umulan man ng ilang araw hindi dapat
naging ganoon yung pinsala na parang
nawipe-out yung ibang areas.

Ang swerte naman ni Gilbert Teodoro,
free exposure siya sa pagiging NDCC
chairman niya at early pangangampanya.

Tulungan niya sana yung mga tao na taos
sa puso at kalooban niya at di dahil sa
pulitika.

To the Higher Being looking down on us,
keep us safe, these times are truly strange.

5 comments:

  1. ayan, pinaparusahan na tayo. haha. itigil na nga ang kaimoralan. tama na ang fuck buddies. haha.

    ReplyDelete
  2. THANK GOD everything is ok now. .
    Kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay ko. Kahit gaano kalalaim pa ang bahang lalanguyin ko.
    KAKAYANIN KO! :)

    ReplyDelete
  3. Kaya nating lahat Acrylique basta sama-sama.

    ReplyDelete
  4. hindi ako kasali,ah. kasalanan nyo lang. haha.

    onga,eh. sad. tapos yung mga bobonic people sa gobyerno pa sinisi. haha.
    may masisi lang. cathartic! haha

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...