Pages

Tuesday, September 8, 2009

Palitaw


(picture ng kuting namin)
[oo, tuhod ko yan! walang pakialamanan]



Wahahahahahaha!
Para akong palitaw!
Aangat pag luto na tapos
lulubog pag di na nahango
at pinabayaan na lang kung saan.

Patok ata yung last post ko kasi
ang daming nagbasa.
Salamat sa mga comment,

Ano bang bago sa akin?
Ganun pa din halos,
sinusubukang sumabay sa
agos ng panahon at ng mundo.

Nagmarathon ako ng x-men,
yung cartoon series.
Nagpapakabata para wala
munang isipin.

Tumaba na naman ako ulit,
pumapasok ako ng hindi na
nakabutones ang mga pantalon
hahahaha!
Palamunin na nga matakaw pa!

Sa trabaho, ganun pa din,
mas madalas nga lang ako
umabsent, may point na 2 linggo
akong nagtago sa bahay, nagkataon
naman na ng papasok nako nagka-UTI
ako, blessing na ewan kasi nagkaroon
ako ng instant dahilan.

Pinagninilayan nila na gawin
akong casual dahil may nag-resign
na staff, ang kaso nga wala akong backer.

Ng kinausap ako ng punong nars namin
patungkol sa plano nila na ako na lang
ang kunin para di na sila magtrain ng bago,
ngumiti lang ako, sabi ko
"Salamat po sa pagtitiwala."
Tumawa lang sila pero alam ko
na-appreciate din nila.

Apparently nung nawala ako ng 2 linggo,
nakausap nila ang tita ko na head ng
isang socio-civic org pati yung chief doc
at gusto nga nila na ako ang ilagay
sa mababakanteng posisyon.

Kaso wala pa rin akong go-signal,
tengga sa madaling salita, kasi
complicated ang situation.

E di ba nga may mas naunang ipasok sa akin,
yung di ko masyadong kasundo
na dati ding voluntir so malamang sa kanya mapupunta
yung mababakanteng posisyon;
kasi may isa pa kaming casual na nars na kaibigan ko
at ka-batch na siyang sasalo sa posisyon nung orig na staff
na nag-resign nga so bale nagdagdag-bawas lang sa
mga staff so in essence full pa rin lahat ng posisyon,
e saan ako isisiksik?

Nung kinausap ako ng mga higher-ups ang
pagkakasabi sakin ako ang ipapalit
dun sa posisyon ng friend ko na casual kung
magreresign siya kasi nga lagi siyang
inaapi nung doktora namin kaya dati
nag-express siya na gusto niya na magresign.

E kaso mukhang di siya magreresign dahil
kakajowa nila lang, as in NBSB siya dati at
katropa ko din yung boylet niya ngayon.

Kaya wala lang, parang pinasilip
lang sakin yung silver lining tapos
bumagyo na uli, nasilip ko lang
yung eye ng bagyo kung saan lahat
ay kalmado tapos after.03 seconds
delubyo na uli.

Ang gago ko naman na tanungin siya
kung talagang magreresign siya.
Sa iba nga niya nalaman na ako yung
gustong ipasok sa lying-in dahil ayokong
pag-usapan yung ganuong bagay kasi ang akward.

So eto ang temporary solusyon ko
ang mag-absent kapag tinotopak.

Kanina buti hindi mainit ang ulo ko,
kasi kaming mga senior volunteers,
hilong-talilong na kakaikot sa katoxican ng ward,
tapos babanatan pa ako nung di ko masyado na kasundong
you-know-who na pagod na siya.

Haler! At least nga siya may bayad yung pagod niya
kahit maliit sweldo niya, kami wala,
mas matindi pa ngang katoxican naranasan ko
sa mahigit isang taon ko di ako nagreklamo.

Tumahimik lang ako at ginawa ko na lang
kung ano yung dapat tapusin para di sayang
yung panahon dahil kung dadaldal lang ako
walang mangyayari sa amin.

tinanong ako nung isa pa naming kasama
kung bakit di ko na lang hayaan dun sa binabayaran
na tauhan ibigay yung charting kasi nga siya
talaga dapat gagawa nun.
sabi ko, nagverbalize na kasi na pagod na siya
kaya tinapos ko na lang yung dapat tapusin.

in fairness naman nagpaiwan siya kasi aantayin
pa niya yung kapalitang shift at ginawa niya
din yung charting nung isang naiwang case kasi
pauwi na kami nung ilabas yung chart.

binigyan din kami ng mga higher-ups ng 100
for our pagod at na-appreciate ko yun
kasi kahit maliit lang malaki na yung 100
sa hirap ng buhay ngayon.

buti na lang ang pilipinas -
bansa ng mga tingi!



3 comments:

  1. yay for you! haha. ano nga ba ang palitaw? :D

    ReplyDelete
  2. palitaw!
    yung kakanin!

    http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Palitaw

    Nakalimutan ko yung isa pang tawag sa kanya!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...