October 06, 2006
BALIW
Natikman ko ang panandaliang kabaliwan
Anim na araw
Walang kuryente
Patay ang kasangkapan
Bulag sa kadiliman ng bahay
Walang lifeline
Inisip ko na parang Mindoro lang ito
Balik bundok
balik sa simpleng pamumuhay
E pano ka ba naman
magiging matiwasay
kung lahat ng nakapaligid sayo di kuryente
Ang ref- dating icebox
ngayon hardin na ng lumot at amag
at mga anik anik na nabubulok
Ang tv- bintana ng buong pilipinas
naging awkward black box
na lang, gathering dust
Ang component- ang pampabingi ko
patuloy pa rin naman akong pinabingi...
pinabingi ng katahimikan
Ang kalan- dating natatalamsikan ng
mantika ngayon inaampiyasan na
lang ng ulan
Ang microwave- ang uber appliance
madaming magamit kasama na ngayon
dun ang maging patungan
Ang laptop- lifeline ko sa kabilang mundo,
sa kalahating ako, isang malaking
patlang na lang may extra pang tuldok.
___________________________________
Pinapanood ko yung pagupos ng apoy
sa kandila, ang unti unting pagtunaw ng wakas
Oo, katulad ng lahat ng tao, umamin man
o hindi, lahat tayo naglalaro ng apoy.
Kakaiba ang anim na araw na yun
Lumalabas ako
masisinagan ng araw
parang nabubuhay ako
pag tinamaan ng liwanag
Kung dati gusto ko ng dilim
nung nag brownout
pinapahaba ko ang araw
ayokong mababad
ng kandila lang at paypay
ang hawak
mahirap...
katulad ng pag-ikot ni hamham
sa laruan niya
ganun din ang utak ko sa
pag-iisip
nabaliw ako...
sa ikalimang araw
bandang alas dos
ng madaling araw
naisip kong maglakad na lang
kaya ako sa labas
yung dire-diretso lang
walang pupuntahan
basta lang...
Umaapaw ang
galit
poot
hinanakit
sama ng loob
awa sa sarili
panghihinayang
inis
lungkot
pighati
sa sandaling yon
parang halo-halo na naguumapaw
ang gatas ko ay luha saking mga mata
Kahit san ako tumingin
ikondisyon ko man
ang isip ko na parang
balik probinsya lang,
e nasa bahay ako
at napapalibutan ng
electrical appliances
nakakabaliw na mawalan ng isang necessity sa buhay
No comments:
Post a Comment
A pen is mightier than a sword especially when sharpened