Pages

Friday, January 4, 2008

Dejavu (The SJC iskulbus revenge)

November 17, 2006

Dejavu (The SJC iskulbus revenge)

Nag dejavu ang kapalaran kahapon
sinusundan ako ng kamalasan
hanggang sa bus ba naman
ay wala pa din kuryente?

Nasira kasi ang aircon
ang mala arctic winter
na lamig nga bagong bago
na bus na ipinagdadamot
ng sangkapenguinan.

Ang gana ko pang dalin
yung pinakamakapal na
jacket ko, magiging tuwalya
lang pala ng pawis ko.

Pauwi na kami galing sa
fountain of lochia na
Fabella, pagod ka na
kakaakyat, dumidikit pa
sa cilia ng ilong mo ang amoy.

Di kami makauwi dahil
namamatay ang makina
pag binubuksan ang aircon.
Inatake na ang lahat ng inis
at pagkasuklam.

In fairness, sinubukan naman
ni manong na ayusin ito
pero matindi ang sabotage
na ginawa nina sister.

So ang aircon namin gumagana
lang ng 20 seconds every 2-5 minutes
Nakarating naman kami ng Cavite
pero topak na ang lahat
Si Eileen hinika
Si Jay Loune at Chacha inatake
ng kalokohan
Si Bryan parang ala lang
tulog pa din
Ganun din sina Molly at Maria

Sana nga naglambitin na lang kami
sa estribo ng pinto ng bus
para nahanginan kami at nakahinga

May sumpa ata lahat ng gamit ng madre
Pati mismong mga madre may sumpa
Ang kinatatayuan ng SJC may sumpa
Ang buong iskul at tauhan nito
tadtad ng sumpa
Kaya kami nahahawaan.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...