Pages

Friday, January 4, 2008

Lamay

November 13, 2006

LAMAY

Inspired ito mula sa
isang mama na nakasabay
namin sa baby bus.
Nagtanong siya sa asawa
niya kung yung mga naglalasingan
sa kanto ay nasa lamay o
bday party.
May banner na "Hapi 50th Bday name"
at nagkakantahan sila sa videoke,
kumakain sa lamesang may puting
tablecloth at madaming pagkain.
"Ano sa tingin mo?" sagot ng asawa
_____________________________
Setting:Unang gabi ng lamay ni Peping,
nakaburol sa baranggay hall na ang tanging
ilaw ay isang 50watts na bumbilya.
Naririnig sa background ang kantahan
sa videoke at ang pagseset-up ng inupahang
bangkero ng lamesa ng pasugal.
Amoy BBQ, chiko at sukang paombong ang ataul.

Ronaldo:
"Di ko naisip na mangyayari 'to sa
araw mismo ng kapanakan ni Peping"

Napatingin ang lahat ng usyosero
sa kanya.

Ronaldo (nakatayo sa may pinto,may
hawak na beer at nagyoyosi):
"Akalain mo ba namang paglamayan
natin siya sa araw ng birthday niya."

Nagtanguan ang lahat
Kumikislap ang mga mata
kung sa luha o pagkalasing
walang nakakasigurado

Ronaldo:
"Kanina lang nilalantakan
niya yung lechon, siya pa nga yung
nagihaw ng mga bangus at bumili
ng mga talaba. Kami pa yung nagbuhat
nung anim na case ng beer papasok
sa bahay."

Napa-isip ang lahat
Halatang nakainom ang karamihan.
Amoy chiko, namumula ang mata,
nakahawak sa kung saan para
diretso ang tayo.
Yung iba ay may mantsa pa ng
pinagsukaan sa polo.
Meron din naman mga iilan
na hawak pa ang mga
botelya na beer na pinang-
blowout ni Peping.
Kalahati sa kanila
ay nakahubad ng pangitaas
at namumula ang katawan.

Ronaldo:
"Tuwang-tuwa siya kanina,
reunion ng barkada, talagang
pinag-ipunan niya ito. Sabi ko sa
kanya kahapon na magpahinga
na siya at ako ng bahala. Matigas
talaga ang ulo mo Peping."

Bumalik-tanaw ang lahat
Natatandaan nila ang
paroot-parito ni Peping
Ang pagshot ng 17 beses ng
sunod-sunod ng pinaghalong
gin,vodka, at lambanog.
Tawanan sila ng tawanan
Nagkantahan sa videoke,
lumamon at naginuman pa uli.

Ronaldo:
"Akalain mo ba naman
na atakihin siya ng sakit niya
habang bumababa ng hagdan.
Malas lang talaga ni Peping."

Sinariwa nila ang kababalaghan
Pababa na si Peping galing sa kusina
Sa silong kasi ang kasiyahan.
Dala-dala niya ang mga inihaw na bangus
sa isang kamay,
nakatusok ang isda sa istik na
may marshmallow pa sa dulo,
sa kabila - isang jug
ng "Vodka ni Kamatayan"
ang pinaghalong gin vodka at lamabanog
Nakasukbit sa bibig ang cuban cigar
na regalo ng isang kumpare.
Tuwang tuwa dito si Peping
kaya't ginamit niya ito kaagad,
nasa ikatlong cigar na siya
ng mangyari ang lahat.

Ronaldo:
"Sanay nako sa kanya kasi
nga komikero siya.
Di ko akalain na talagang hinihika
siya nun"

Kaunti din lang ang nakakaalam
sa sakit ng Peping, bukod sa hika
ay may history din siya ng pagkabagok
dahil ipinanganak siya sa isang
pampublikong C.R.
dun na kasi inabutan ang nanay niya,
ito ang siyang dahilan ng undiagnosed
tourettes syndrome niya
mild lang naman ito kung tutuusin,
kapag inaatake siya napapangiwi lang
siya at pumipilipit pakaliwa ang kanang paa
niya at pakanan naman yung kaliwa.

Ronaldo:
"Ang sama lang kasi, inatake siya habang
pababa ng hagdan...at yung mga BBQ stik,
yun ang tumapos sa kanya..."

Pababa ng hagdan si Peping ng nakaramdam siya ng
paninikip ng dibdib, alam niyang hudya't yun
ng hika, kukunin niya sana ang inhaler kaya't
tumalikod na siya, nasa itaas na ng
bahay si peping ng umatake naman ang tourettes niya.
Akala ng mga kupare niya ay nagpapatawa
si peping, taliwas ang paa, papunta sa
magkaibang direksyon
hawak hawak pa niya yung inihaw na isda at yung jug,
sa hirap na dinanas niya napabalikwas
si Peping nahulog siya sa hagdan
para siyang bolang tumalbog-talbog
sa baitang
naihagis niya yung mga BBQ isda sa gulat
tumilapon ito ng pagkataas-taas
at dahil sa hila ng gravity
tumusok ang mga stik sa katawan niya,
sa sakit ay nabitawan niya ang
"vodka ng kamatayan" bumuhos ito
sa buo niyang katawan habanag
patalbog-talbog siya sa pang33 na baitang
ng hagdan.
Bigla siyang sumilab, natamaan ng cigar
ang basa niyang damit.
Napatunganga lang ang mga tao,
walang nagawa sa pagkabigla.
Patay na si Peping ng tumalbog
ang lumalagabgab niyang katawan
sa silong.

Ronaldo:
"Hapi bertday Peping, talagang
da best ang party mo..."

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...