Pages

Friday, January 4, 2008

Kuntador

November 02, 2006

KUNTADOR

"Ang mga magnanakaw

walang puwang sa mundo."

----BK (ninakawan ng kuntador)

___________________________________________

Dapat sa kanila, di lang tagpasin

ang mga kamay pati buhay nila.

Pinaghirapan ng iba,

masasamang loob ang

nakikinabang.

Mamatay na ang mga magnanakaw!

________________________

October 18, 2006, Cactus Compund, 1:00 - 3:30 ng madaling araw

Huling namalayan ng mga biktima ang

presensiya ng kuryente ng mga

bandang alas-dose ng madaling-araw

ng matulog na sila.

Namulat sila sa kadiliman ng kanilang

tinitirhan, naglalagkit sa pawis,

at bulag sa kawalan ng liwanag.

Nalaman din kinalaunan ng mga

biktima na 3 kabahayan, ang

halera nilang apartment ang mga

nabiktima ng pagnanakaw ng kuntador.

Ang tinitira ng kriminal ay ang mga

digital na kuntador na di umano'y

ipinagbibili sa mga mayayaman.

Kaaba-aba naman ang mga biktima.

________________________________

Today, connected nako sa mundo

may kuryente nako

Di man lubusan ang kaligayahan ko

medyo okey na din

Gusto kong mamatay ang mga

magnanakaw na iyon

Wala akong pakialam kung

ano ang pangangailangan nila

Pano kung nagkataon na

ospital ang ninakawan

o kaya bumbero o kaya

yung mga simpleng tao

na ngayon lang nakatamasa

ng kaginhawaan

Di masusuklian ng sori at

pasensya na ang paghihirap

na dinanas nila

Katulad ng sa mga pusher

dapat magdusa sila

sa mga ginawa nila.

At kung sakaling trip lang nila

ang pagnakaw, sana

mapagtripan din ang mga buhay

nila at makuryente sila

habang nagnanakaw.

Kung ako ang masusunod

lahat ng magnanakaw,

especially ng utilities

at kaban ng bayan...

Dapat silang mamatay.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...