Pages

Friday, January 4, 2008

Testi

November 07, 2006

TESTI

Bakit nga ba
di ako namimigay ng testi?
Ako na lang ata
sa sangkafriendsteran
ang nagdadamot ng testi.

Ewan ko ba
Tanggap lang ako
ng tanggap ng padala sakin
pero di ako namimigay.

Anong sasabihin ko?
____________________________
Ay oo eto si Chenes
kakilala ko na sya
zygote pa lang ako
Magkatabi kami nyan
ng crib sa nursery.
Magkadikit na kami ng bituka nyan.
_____________________________
Si Chuva
classmate ko ng Kinder
di na kami nagkita pang muli
_____________________________
Si Taratitat
classmate ko sya ngayon
kinakausap nya ko lagi
Pero di ko sya pinagkakatiwalaan
_____________________________
Si Puruntong
Malapit sakin yang taong yan
malapit sya sa bulsa ko
marami syang utang sakin
_____________________________
Si 5-6
amoy bumbay yan
parang pakistani mangoes
nakatakip na at nakabalot
naamoy mo pa din
____________________________
Si Tekla
magaling yan
matalino
mabait
ubod ng galing
pinaka sa aming lahat
nasa mental na sya ngayon
___________________________
Si Bokya
nagkatinginan kami
sa isang bar nung
isang gabi
nakachat ko din sya
kahapon
__________________________
Si Procopio
anak sya ng tiyo ng
ninong ni Aling Puring
na siyang kapatid sa
ina ng dentista ng
lolo ko.
Buhay pa siya
hanggang ngayon.
__________________________
Si Hudas
Walastik tong taong ito
puro sama ng loob
at gulo ang napulot ko dito.
Nagkasama kami niyan
sa selda 16,
max security compound ng munti
Batang city jail pare!
__________________________
Etong si Pepe
magkasama pa kami nyan
hanggang ngayon
tandem kami sa lakaran,
ako si Zuma
siya yung ahas.
_________________________
Si Bakekang
napapanood ko lang
siya sa tv.
Ang galing-galing nya
bawat luha niya
tinutumbasan
ko din ng sarili kong luha
may kasama pang sipon.
Bilib ako sa kanya.
Idol kita Bakekang.
________________________
Si Cheesecake
The best na kaibigan
maasahan yan
as in.
Cheesecake pahingi ng favor,
pautang ng 100
daanan ko sa inyo bukas.
Wag mo kalimutan,
dadaanan ko dyan
ng mga alas 3
_______________________
Si Bogart
crush ko siya
simula elem
hanggang ngayon
Sinusundan ko sya
pagkagaling ko sa skul
Pag nasa CR sya
andun ako sa pinto.
Pinapadalhan ko sya
ng love letter araw-araw.
Naglalagay din ako
ng stuff toy sa may pinto
ng bahay nila.
Bogart...i love you.
_______________________
Cheesecake nagpunta
ako sa inyo kahapon.
Wala daw tao sa bahay niyo
sabi ng kapitbahay,
Pero andun yung tsinelas
mo sa labas.
Babalik ako dyan mamya.
_______________________
Thanks for adding me
...lovelots,
Bakekang
_______________________
Kalokohang testi
baka kasi kung ano pang
mura ang masabi ko
na ikasama ng
loob ng iba.

Kasi naman inherent sa tao
ang duality ng persona
ang pagiging masama
at mabuti

Ayoko namang sambahin
ang kabaitan mo ngayon
tapos bukas halos sipain
na kita sa inis at galit.

Ang kaibigan minsan
kaibigan lang pag
may pangangailangan

Ganun naman talaga e.
Connection for comfort.
Network of security.

Dont blame if i dont do testimonials
I might do an essay of your life
or worse put a period
to end it all.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...