Pages

Tuesday, January 1, 2008

Midnight

April 21, 2006

MIDNIGHT

Madaling-araw na
actually di pa...
Nagsa-sound-trip ako
Pampalipas oras
pang-unwind
Tinitingnan ang uploaded
baby pix ng mga dating kaeskwela
habang inaantay ang jowa

Mukhang di siya darating
sayang miss ko pa naman siya.

Hmm si hUsh...hUsh...Usher
ang nakanta, nakakaindak
kung di lang ba ako parang tuod
sana nakakasayaw din ako.

Nagugutom ako kaya lang
parang ayoko na ng food dito
kasi non-existent...
walang laman ang ref ko

Leche!!!!

Taghirap na nga talaga
mukhang magtitiis na lang ako
sa singkamas at chippy na tig-
pipiso.

Hmm medyo inaantok na ko
siguro pagod lang ako
Barado pa kasi ang ilong ko
Ang mga pesteng virus
nilalabanan ang puwersa ko
Di makuha sa bio-flu
mukhang tami-flu na ang
katapat nito.

Ay?! May ads ang launchcast,
wala na ngang libre sa mundo
I mean your basic needs are free

air is free kaya lang polluted

water is free kaya lang
madumi din

food is semi-free, pwede ka kasi
humingi, pag class ka bumili ng sarili

shelter too is free kahit karton sa
panahon ngayon ay ginagawa na din silungan

sex is also free, tumambay ka lang
makakascore ka din, wag na nga lang
pagusapan ang kalinisan at STD

education...hmm libre ang elementary
to a certain extent pero may catch pag
haiskul at college ka na

Lahat ng basic needs mo may catch
ang hierarchy ni Maslow di na lang
basta pyramid, tulad ng nasa Giza
may mga tourist ammenities na din
di na sya old world
fabricated na lang

lupit no?
wala na
talagang
libre
isip mo lang
talaga ang
siyang
malaya...libre.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...