Pages

Friday, January 4, 2008

Regada violence

July 08, 2006

Regada Violence

habang nagkakasyahan kami nun
at malapit na sanang umuwi
(dahul kakadaan lang ng karakol),
nagpabasa kami sa istasyon ng
bumbero sa may goldilocks ng
may biglang nagsuntukan na
abnormal sa likod namin
nagkasigawan ang mga tao
at animoy dumaan si
moses dahil biglang nahawi
ang crowd para gawing arena ng mga
nagsusuntukan.
magpupustahan na sana ang
lahat ng may dalawa pang ingeterong
nagkabulungan at napagkasunduan
na bigyang entertainment ang
mga tao sa pamamagitan ng bare knuckle
fist fight ala gladiator style
siyempre nagtakbuhan kami nina lizeth
eileen,jeciel at chet
sa pagtakbo namin nagkaroon ng sariling
isip ang mga tsinelas ni eileen at lizeth
at nauna na palang tumakbo kaya
hinanap namin sila at agad na pinasuot sa
mga amo nila
napunta kami sa gilid
parang may rumagasang
pyroklastic flow(ispeling?) sa kalsada
parang nagputukan lahat ng mga bulkan
at ang tribo caviteno
ay nagsusuntukan para malaman
kung sino ang bagong iaalay
para iappease ang bulkan
dahil sa lahat ay nagakyatan sa sidewalk
akala ko maglalaro lang kami ng
langit - lupa kaya tuwang tuwa pa ako
na akyat baba sa sidewalk
paglingon ko napahiwalay sina chet at jeciel
_________________
ang sumunod na mga eksena
ay nangyari ng slow motion
pakipress na lang po
ang fast forward para sa normal viewing
___________________
paglingon ko nakita ko si chet at eileen
gumawa ako ng geture para iconvey
sa kanila na "halika na't umuwi na tayo"
nakita ko ang mata ni jeciel...
may takot
nakita ko ang mukha ni chet...
nagzoom out ako sa mukha ni chet
at parang tornado na papalapit
ang dalawang mama papunta
sa amin ni lizeth
kamao vs kamao
pero wala namang pacquiao
tinuro ni chet ang nagsusuntukan
ang mukhang di maipinta
ngayo'y mangiyak-ngiyak na
i mouthed...
"eeeeeekkoooooootttttt
kayoyoyoyoyoyoyoyoyo"
(audio effect) with matching
finger gesture pa.
pero nakita ko si chet halos pumadyak na sa
at gumulapa sa sahig parang
mapapatae na di maintindihan
parang bata na binigyan ng barbie pero
baril-barilan pala ang gusto
parang di mapakali
mapautot
parang nalagyan ng botox
pero sa maling lugar
kayat kumunot ang buong mukha
BANG!
lumingon ako
nagpaputok ang mga pulis
sa wakas short respite
kinabahan ako dahil
alam ko na hihilahin pababa
ng gravity ang bala
dalidali akong gumawa ng
mental computation
ang trajectory
ang gravity 9.8 ek ek
sine
cosine
arc tangent
conversion
ang bilis ng pagilot ng mundo
ang dami ng osmoles
ang bilang ng electrons
ang negative square root
at finally
tumakbo
na lang ako...
_________________
di ko na maalala
ang mga sumusunod
ang alam ko lang e
nakita namin si baby boy
sa may panaderya at binasa niya kami
babasain ko din sana siya
pero wala na palang tubig ang
water gun ko kaya't sabi ko
puwede ba paluin na
lang kita sa ulo ng water gun ko
tumawa lang siya
tumawa din ako
nawala ang tensyon
di niya kasi alam kung
ano ang nangyari sa amin
____________________
ayoko na atang magregada
ayokong mamatay
ng walang kapararakan
dahil nagkasuntukan lang
o nagwarning shot ang pulis
pano pala kung may nagdala ng kutsilyo
may nagdala ng baril
may nagbitbit ng pillbox...
terrorism at a smaller scale
mali talaga pagnasamahan
na ng alcohol ang kahit na ano
(except yung magpapatapang ka
para sabihin ang i lab yooo sa nililigawan
na babastedin ka din dahil amoy beer ka)
_____________________
basta parang naging
roman koliseum ang kalsada
mabuti sana kung ang spectators
ay may lugar talaga far from them
kaso andun din sila
nandadamay....
________________________
magulo na talaga ang mundo
ang saglit na kasiyahan
nababahiran na rin nito
parang wala na talagang
tunay na kasiyahan
puro plastikan at lamanagan
na lang ang namamayagpag
________________________
dito na lang ako sa balon
magreregada...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...