Pages

Wednesday, February 20, 2008

Cellphone

2 cellphone ko
isang lumang nokia
at isang pang mas bagong nokia
na walang network (vodafone)
dahil harbat lang to ng nanay
ko sa ibang bansa

yung bago
isang malaking mp3 player/digicam
yung luma
parang kaha lang na nabuhusan
ng acido ang itsura

lagi ko sila bitbit
nasa bulsa
lagi kong kinakapa
sa pantalon o bag

paranoid ako sa kanila
hindi dahil
marami akong katxt
kundi dahil sa bigay
sila ng mama ko

kahit ano kasing bigay
ng mama ko pati
yung mga envelope ng
card na padala niya
di ko tinatapon,
di ko kasi siya makasama
kaya inaamoy ko na lang
sila minsan

back to the phones,
pag bago kasi ang isang bagay
walang katapusan mong
ipagyayabang to
tipong...
"Tangina pare! pwede izoom to
hanggang makita natin yung kuto
sa buhok ng ulo ng langgam!"

Minsan pasimple lang
uupo sa isang sulok
ilalabas si cellphone
tapos kukuhanan
ang sarili tapos titingin sa paligid
"Wow! Gara ng phone natin ah,
bago?Patingin ha?"

"Kabibili ko lang kahapon,
orig price nyan 32k pero
nakuha ko ng 6thou may
scratch nga lang ang lcd
at nagfaflash every 30 sec
yung screen pero cool yung
ibang features: 3 language
nyan - cantonese, mandarin
at afrikaans tapos yung keypad
cyrillic yung alphabet
parang russian lang.
di ba bargain na?"

Lahat na kasi ng features
kinabit na sa cellphone,
in the near future,
ito na ang 'it' gadget
nagkoconverge na kasi
lahat ng technology sa
iisang teknolohiyang ito.

Ang downside nito -
dependence,
at ang di-ka-makawala-
at-mapag-isa syndrome.

Di ko sinasagot yung
mga tumatawag sakin.
minsan topak lang talaga
ako at ayokong magulo at
makausap.

Ayong maging "online"
forever.
iba kasi ang intindihan
sa cellphone/text
at iba pa rin siyempre
pag kaharap mo ang kausap mo,
at syempre minsan gusto
mo lang talagang mapag-isa.

Marami na akong nakasama
na adik na sa text at cellphone nila.
Ang pinaka-ayoko pa naman
yung nakikicharge pa samin
para lang makapagtext.

Ang sakin kasi pag lobat na,
senyales na yun na tumigil ka.
Siguro naman alam din ng
kapartidos mo yung limitasyon
ng cellphone, na kailangan
din nitong magpahinga
at marecharge sa bahay ng may-ari nila.

Ayoko din na kapag kausap ako
ay may katext yung kausap ko,
parang bastusan kasi,
malay ko ba na yung kulangot o
muta ko na yung pinagtatawanan niyo;
malay ko rin ba kung talagang
nakikinig ka sakin kapag kausap
mo ko.

Sige, minsan guilty din ako dito
pero naging reflex ko na lang
siya kapag yung kausap ko
e nagtetext din. im just
bridging the silence kumbaga.

Tomorrow, i'll firmly resolve
to say "excuse me" each time
i use my mobile when im talking to
someone, good manners ay nakaka
hawa din di ba?

At yung pinaka ayoko yung aastang
mamamatay na kapag nalingat lang
e nawala na daw si cellphone.
Minsan gusto kong sumigaw ng
"Putang inang selpon na yan, mas
mahalaga pa ba yan kesa sa buhay mo?"

Pag sumagot siya ng oo itatarak ko
ang isang cellphone na de-antenna
at mala-pangkaskas ng yelo sa
dibdib niya at sasabihing
"Hayan humanap ka ng signal
mo sa ospital! Che!"

0key lang naman na mataranta
kung mamisplace o sadyang nasnatch
na pala sayo ang cellphone mo,
pero iyakan mo ito for the right reasons.

Dahil nawalan ka ng pinaghirapang
gamit!
o kaya kailangan talaga
sa trabaho!
o kaya dun nakasave yung
malalaswa at nakakadiri
niyong scandal!
o kaya life or death ang inaantay
mong mensahe mula dito.

yung mga katextmate
di naman nawawala
yan e nakakahanap sila ng paraan.
madaling palitan ang mga
numerong walang mukha.

pero kapag ako nawalan ng
mobile phone...
(knock on wood)
iiyakan ko din siya
dahil above all else
pinaghirapan siya ng nanay ko.

nabuhay din ako ng mahabang
taon ng wala nito kaya mabubuhay
ako kahit mawala ito.
hindi umiikot ang buhay ko sa cellphone,
umiikot ito sa mga taong may mukha
at kakilala ko na bago ko pa maging
kabiruan sa text.

the humble mobile
just bridges the gap...
its not as essential as you think it is...
__________________
malamang maraming matamaan
sa post nato pero kailangan ko
lang siyang maibulalas dahil matagal
ko natong saloobin.

kailangan ko din siguro irationalize
kung bakit ayaw kong sumagot ng
mga tawag matapos ang stint ko
sa callcenter.

minsan mas gusto ko lang
naman talagang mapag-isa
minsan gusto ko lang naman
talaga na may makausap
face-to-face...

weirdo at tarantado
talaga akong tao...
batuhin nyo nako.

14 comments:

  1. tinamaan ako...
    ngunit dahil tama ka, kapatid
    dapat nga naman mag "excuse me" pag sabay ang katxt mo at kausap mo ng personal
    hindi ako umiyak nang mawalan ng celphone na pinigaan ko ng dugo't pawis...
    nagalit ako kasi nang maholdap ako, dehin man lang ako nakasapak ng holdapper(hanggang ngayon, nagngingit ngit pa rin ako pag may nababalitaan ako na naholdap)
    buti na lang mas importante na ang beer at mga magulang at kapatid ko
    ang selpon ay isa na lang laruan para sa akin...
    sana globe din ang namber mo
    txt tayo?
    haha
    apir!

    ReplyDelete
  2. ay sori di ko alam na nawalan ka at holdap hindi snatch ang ginawa sayo!

    isa rin sa pinaka ayaw ko ay ang mga magnanakaw dahil kinukuha nila ang pinaghihirapan ng iba.

    lahat ng mga magnanakaw kinicurse ko at dahil mabilis na ang karma - digital na, baka dedbol na ang snatcher ng fone mo ngayon.*mataimtim na pagcurse*

    globe din ako! apir!

    ReplyDelete
  3. maraming beses na akong nawalan ng cellphone. whew!

    ReplyDelete
  4. naku, sentimental ka rin palang tao. hehehe...ako din eh, ultimo resibo ng mga restaurant tinatago ko. kaya fire prone ang kwarto ko
    sa susunod niyan, may life saving devices na ang mga cellphone tulad ng respirators, oxygen etc. hahaha.
    yun ang problema ko naman dati. nahirapan akong makadetach sa cellphone ko nung nasnatch siya. although hindi siya bigay ng parents ko. madaming messages at experiences ka'ng chinecherish dun.
    i feel for you bk.

    ReplyDelete
  5. aw... ganoon din ang nararamdaman ko sa aking 6280...:)

    ReplyDelete
  6. gervacio . . .

    may curse ang mga kamay mo...baka mahawa ako mwahahahaha!

    wandering c. . .

    i feel the feeling...hmmm. basta galing sa mama ko talagang diamond ang value nun sakin.

    dn . . .

    egad! ano yung 6280, wala na akong alam sa mga units ngayon - napaglumaan nako!

    ReplyDelete
  7. aw...sliding phone po un ate...lumang model na po un...hehehehe...madali naluma. ^^

    ReplyDelete
  8. waah! sapul na sapul! patawarin mko! hindi ko sinasadya! sorry!

    ReplyDelete
  9. pero kapag ako nawalan ng
    mobile phone...
    (knock on wood)
    iiyakan ko din siya
    dahil above all else
    pinaghirapan siya ng nanay ko.

    ---

    Nakaka-touch naman ito. Tama, madami ngang matatamaan dito, including me. Pero, pareho ako ng rason mo kung bakit ako iiyak kapag nawala ang phone ko.

    Hindi naman kasi ako mahilig makipag-textmate. Mahal ko ang phone ko kasi isa siya sa mga bagay na nagko-connect sa amin ng mga kaibigan ko, parents ko. Ayun.

    ReplyDelete
  10. dn!

    sus! sliding model! yung luma ko parang pangkaskas ng yelo.

    chet!

    para sa lahat to! kasama ako! observation lang sa araw-araw!

    meryl!

    apir! sila ang nearest thing na mahahawakan ko next to my mom kasi nga wala cya at sya ang nagbigay at nagpakaalila para sa mga phone na yun, kaya i cherish them...huhuhu.

    wandering c!

    in a way i am! nyahahaha! mushy!

    ReplyDelete
  11. ako ayos lang.
    dati super attached din ako sa phone ko pero ngayon hindi na.
    pwede na a kong mabuhay na wala siya.
    wala akong pakialam kung may makakontak sakin o wala.
    bahala sila.
    pero kahit papaano kahit na ganoon.
    ayoko pa din naman na mawala siya ng tuluyan, gusto ko anjan pa rin siya sa tabi ko kung gusto ko siyang silipin.
    kahit hindi madalas.
    basta anjan lang siya.

    ReplyDelete
  12. superym!

    extension na talaga ng ating katawan ang cellphone. gawain ko din yan, laging standby mode ang mobile ko.

    ReplyDelete
  13. ganda nito mon, though di ako addict sa txt maganda to mon..minsan nga titingnan ko lang phone ko kung yung mga katabi ko puro cellphone ang nasa harap nila parang nanggagaya lang hehehe.
    well, gusto ko pa rin kunin number mo kasi magttxt ako pag bibisita ako sa yo pagdadala kita ng food =)
    ate russel

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...