Pages

Sunday, April 20, 2008

Kuyog

Maraming klase ng tao
Ibat-iba kasi ang pinanggalingan,
kinalakihan at pinaniniwalaan.

Ang pinaka ayokong tao e
yung laging nakasigaw
at parang may kapansanan
sa isip at sa tenga.

Butangera/butangero.

Jologs.

Taong kalsada.

Pamilya kuyog

Basta parang ganun.

Wala naman akong masamang
tinapay (na may palaman na
matigas na bato) laban sa kanila.

Ayoko lang ng makulit, mapilit
at makitid na pananaw.

May theory kasi ako...

Mababasa mo ang ugali ng
tao base sa kanyang kaanyuan.

Tulad ng maliliit na tao,
kadalasan gusto nila nasa
limelight at naba-baby sila
sa barkadahan, medyo paimportante...

You know compensating...

Yung medyo hebigat naman
na tulad ko kadalasan may
pagkajolly kasi naman humor
na lang ang panlaban nila sa
panlalait at depression over
their weight/physical attributes.

Pag topak ako, nagkakategorya
ako ng tao, lalo na pag bagong kilala.

Pag medyo okey ang ugali
at okey naman ang height - medium.

Pag maliit at nag-iinarte pa
ang tawag dun - nano

Pag malaki na nga,
nagtatanga-tangahan pa - kapre

Alam ko ...
Dont judge my brother
he is not a book!

Pero minsan masisipat
mo kaagad ang ugali ng tao
sa observation pa lang.

Minsan mas gusto ko na
ipakita kaagad yung kalokohan
kesa sa mag-astang santa/santo.

Ewan ko ba
allergic ata ako sa mga taong
laging nakasigaw magkwento,
may meaning kasi ito -
compensation.

Sana lang may mute sa
totoong buhay.

6 comments:

  1. may sarili rin akong classification ng mga tao na nakakasalamuha ko araw araw, kadalasan ko kasama magtrip ang magulo kong utak pag sinusukat ko ang isang tao ayon sa kanyang pananalita.

    madalas ako tumitig sa mga sosyalera na ingles ng ingles pag naglalakad sa kale at habang tumutuhog ng pishbol dahil

    1. mali ang grammar nila
    2. nde bagay sa kanila
    3. nasa maling lugar sila
    4. allergic lang ako sa mga super sossy
    5. (minsan)inggit ako

    hehe

    ReplyDelete
  2. Wahahaha. Lahat naman yata ng tao may side na ganyan. Siguro kasi naural na sa tao ang mag-observe.

    Pero enjoy naman mamansin ng mga ganyan lalo na pag walang mapag-usapan. Hehe.

    ReplyDelete
  3. Hahahaha! natawa nmn ako sa post mo. Salamat! kelangan ko ito, pangontra sa malungkot na araw ko. hehe.

    ReplyDelete
  4. hahaha kakatuwa!

    sa tingin ko tamang ang iyong compensation theory hehehe

    ReplyDelete
  5. aray! tama na!!!
    durog na durog na ako!!!

    hehehe!

    ReplyDelete
  6. mel:

    apir! ugali ko na rin babuyin yang mga mapagpanggap na sosyalerang mga yan! kinukumpol ko sa sila sa iisang category: ang mga brainless!

    meryl:
    yin and yang ng katauhan ng isang tao, pero minsan may discrepancy sa ratio. mwahahaha.

    toilet thoughts:
    nyahahahaa! eto pa ang extrang tawa para sa iyo!

    odin:
    kulang pa ang ibang postulates ng theory na yan! kailanga dagdagan!

    wandering c:
    nyahehehehe! opinion ko lang yan hahaha wag mong masyadong pansinin ang bulaang katotohanan!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...