Pages

Monday, June 9, 2008

Kasal

I dont see myself getting married,
pero ayokong magsalita ng tapos.
Malamang after a few thousand years
mababasa ko ang entry nato
at tatawa na lang ako.

Marrying age na kasi ako
26...
halos bilasa na.

Nagsisipag-asawa na kasi
ang lahat ng kahenerasyon ko
kalahati sa kanila nagsipag-anak
na o kaya nagbubuntis.

Yung iba nga haiskul pa lang
losyang na at ngarag
dahil maaga nagpatali
sa mga karelasyon nila
na nauwi din karamihan
sa hiwalayan.

Masaya ang pag-aayos ng kasal
para sa babae...
Siyempre ito ang epitome o
rurok ng kalandian ng
pagiging babae at
pangangarap ng mala-perpektong
kagandahan kahit na
sukdulan at sumpa ang itsura.

Ang bride kasi ang bida.

Kung yung bride ang protagonist
at supporting cast lang si husband
at producer/financier.
Mga sidekick, asungot at kalaban
ang bridal entourage at bisita.

Sakin kasi, may bahid man
ng relihiyon o wala, sagrado
ang ceremony kasi
panghabangbuhay ang usapan dito
at least in paper.

Yung iba kasi
hanggang video lang
at pirma ang dedication
sa pagsasama ng
mag-asawa.

Basta pag sakin
walang asungot at pa-epal
na bridal entourage.

Groom lang at bride,
1 pair ng godparents,
tig 2 kaibigan, magulang.
0key nayun!

At kailangan lahat nakablack
t-shirt na may nakatatak
na role nila (ex. groom, bride,
ninang, ninong, caterer)

At dahil nakatipid sa konti ng bisita,
madami ang pagkain,
kumpleto may soup, appetizer,
salad, main course, dessert etc.

Dapat madami at masarap
at lawa parang waterfalls
ang inumin.

Pagkatapos ng seremonyas
at kainan papalayasin na
an kakarampot na bisita
dahil maghahoneymoon
ahem magbabyahe na
ang bagong kasal.

Ayoko kasing matengga
kakalinis ng kalat ng event,
so kailangan may pupuntahang iba
para feel mo pa ang okasyon.

May give-away din
pero dapat useful ito
at di useless figurines o
personalized na anik-anik
na may tatak pa ng mukha
ng mag-asawa.

Ayoko ng bata,
kahit na anong bata sa said
occasion, for adults only lang
ang event.

Simple lang pero memorable
at di cheap ang dating.

Siyempre sa lagay ko
tingin ko malabo ng matupad
tong kahibangan nato.

Baka magmala-dalja spring ako...
at maupos parang kandila
na wala man lang pumansin.

2 comments:

  1. kasal? wala pa rin akong balak magpakasal sa ngayon.

    pero pangarap ko maging wedding planner. :)

    ReplyDelete
  2. sabi ko na nga bang may kinalaman ang dalja's spring jan eh! haha!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...