Pages

Sunday, September 21, 2008

Bird


I dedicate Coldplay's haunting song,
Viva la vida, to the bird that was
my pet for a day...
__________________

Viva La Vida - Coldplay Music Code

______________________

Binili siya nung isa
mula sa isang bata,
bente daw ang halaga,
binigyan namin siya ng trenta.

Sobrang naawa ako
may sugat pa siya
sa pakpak at parang
bali din yung isang paa.

Hawla niya ang isang
lumang plastic na lalagyan
ng peanut brittle na binutasan
at nilagyan ng isang pirasong
moby para sa pagkain.

Nilinis ko ang sugat niya
nagaksaya ng cotton buds,
dinampian ng antibiotic
ang exposed na laman.

may extra hawla ako
ng hamster, nilagyan namin
ng tissue at kinuha ko
ang babasaging pangdisplay
para gawing kainan at inuman niya.

pinagtyagaan nung isa
na balatan yung mga
sunflower seeds ng
hamster ko dahil di namin
alam ang kinakain
ng specie niya.

sabi ko pag umabot ka
kinabukasan
magiging okey ka...

maliksi siya kinabukasan,
sa kagustuhan namin
na mahydrate siya
dinakma namin siya
at nagforce-feed ako ng tubig.

Napansin ko na may tali
pa sa paa niya,
di naman namin matanggal dahil
lumalaban at magulo na siya.

Kasama ko siya maghapon
Patalon talon siya sa hawla.
nakita ko din siyang uminom
ng tubig which i thought
was a really good sign.

Naglagay pako ng bolpen
para may matuntungan siya
kaso sisiw pa siya at malinggit
kaya di pa niya maabot ito.

pagkauwi nung isa from work,
natulog na ang ibon
nacute-an pako kasi nakapikit siya
at ginawang pugad ang
kainan niya.

pagkalingon ko
nakahiga na siya
hirap na humihinga
kinakampay ang pakpak...

noon ko lang
narinig ang tinig ng ibong iyon
matining - parang
humihingi ng tulong...

huminga siya ng malalim
hinga ng kamatayan
yung humahagod
sa buong katawan -
ni di na niya nakuhang
pumikit pa, namatay sa hirap.

umiyak na lang ako.

kaagad din namin siyang
inilibing kasama pa ang ibang hamster
dun sa santan garden namin sa harap.

parang apoy ng kandila
ang ilaw ng buhay niya
hinipan lang...

5 comments:

  1. hala, biglang gusto ko kaagad magkabird. hehehe

    ReplyDelete
  2. miko:

    salamat!

    wandering c:

    di ba meron ka na nun? hehehe corny!
    masarap may pet, kasi kahit sa isang aspeto ng buhay ko may mas mukhang tanga pa sakin.

    ReplyDelete
  3. kawawa talaga ang animals pag pinag-interesan ng tao ng may masamang intensiyon :(

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...