Pages

Tuesday, December 2, 2008

Henna

Si Phoenix
henna tattoo ko.
Pinagawa ko for 100 pesos
ng mapadaan kami
sa tiangge sa malacanang
ng pumunta kami ng st.jude.

Pinagtitinginan siya
Tinuturo
Inaalipusta
Hinahanggaan.

Pero natawa ako sa
reaksyon ng mga taong
tumitingin sa panlabas lamang.

May ale kaming nakasakay
sa dyip byaheng quiapo.
Tiningnan niya ko
mula ulo hanggang paa
pero nagconcentrate siya
kay Phoenix na para bang
karumal dumal na ka-ek-ekan
lang ito.

Tiningnan ko siya ng matalim,
nasa isip ko na kahit isipin niya
na parang madumi ito tignan
at walang kwentang expression
ng art in temporary form e di
pa rin niya ko kilala.

Hindi niya alam kung saan ako
galing, kung ano ang aking
tinapos, kung sino ba ako talaga.

Wala siyang alam at ang
bilis niyang manghusga dahil
lang kay Phoenix the henna.

Ang kamay ng kinalalagyan
ni Phoenix ay ang parehong
braso na bubuhat sa kanya
sa stretcher, ang daliri nito ay
siyang mag-iinsert ng swero at
magbibigay ng gamot sa kanya.

Tsk tsk ale...
ang bilis mong manghusga,
temporary lang si henna
mawawala din ang Phoenix ko
pero ako at ang aking buong
pagkatao ay mananatili tulad ng dati.

Hanggang sa muling pagkikita Phoenix.

4 comments:

  1. maganda ang tattoo.. sa mga ayaw ng tatoo, wag nyo na lang tingnan at iwasang magsalita ng kung anu-anong mapanghusgang salita kung ayaw nyong - -wala lang.. hehehe

    ReplyDelete
  2. tinitignan nya kung bagay daw sa kanya. haha. dapat kasi rainbow color para mas astig.
    weee!!!!


    xD

    ReplyDelete
  3. gervacio:

    tama! zip it na lang!


    dedpish:

    naku papatatuan ko yung ale ng maraming maraming taling at bangaw.

    ReplyDelete
  4. at what the hell naman ang taling? haha.

    btw, i just watched emergency last night. at tungkol sa tatoo un isang issue. buti na lang di sensational ung pagka-deliver. hehe.

    astig. may branding, kung san susunugin ung balat, just like what texans do to their cows. tapos there's the scalpeling, kung san ung skin is being scalpeled talaga. hinihiwa tapos alam mo na, parang candle na iniis-sculpt. hehe

    tapos ung pinaka hebigats ung implant, wherein lalagyan ng implant ung katawan, hehe. kaya nga implant, tapos mnagkakaroon ng hellish lumps sa balat mo. hehe.

    anhaba ng nasabi ko.

    ampanget nga lang ng reason kung why are they having those kind of art, para daw ma-test un pagkalalaki nila or whatever. machismo,eh?

    naman. tsk. dapat para ma-express un sarili nila through that form of art. kainin ko tenga nila,eh. tsk. haha.

    so ayun. la lang .


    xD

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...