Image source
As usual dinagsa kami
ng zero patients
kaya nakatunganga kami buong
gabi sa station.
Buti na lang madaldal ang mga kasama
ko kaya nagkakwentuhan din kami.
2007 pa ko nag-graduate
(ng nursing itich) kaya
kinamusta ko ang mga happenings
sa aking kinasusuklaman
na alma mater.
In-update naman nila ako
at nag-acknowledge din ako
ng mga issues na alam
ko na noon pa.
Maliit kasi ang mundo ko,
kaunti lang ang nakakausap at
kaunti din lang ang
ginagalawang circle of frienemies.
(ayon kay G. palthrow)
kaya ayun in short nakikichismis ako.
Hindi kasi ako sociable,
di pumupunta sa parties,
galing sa bahay diretso uwi
dahil siguro wala ding
perang pang-gimik at
isa pa matanda ako
di hamak sa mga kasabayan ko
at mas mahalaga, hindi ganun
ang mind set ng mga peers ko
na konting utot lang inuman na
agad ang solusyon sa lahat.
Last year lang naman ako talaga
natutong mag-inom, ngayon
napagtanto ko na waste of time
sya kung may problema ka,
dahil masakit sa ulo,
mas masakit sa bulsa.
Pero kung panandaliang limot
at kwentuhan at tawanan
lang pwede pa sana.
Going back, sa mga kuwentong
narinig ko mula sa aking makasama,
narealize kong naglipana ang
mga whores sa kabataan ngayon.
Call me old-fashioned and
conservative (and no, i am no
Maria Clara, Maria Magdalena
na sinner ok pa)
but truly yung mga pinaggagagawa
ng mga estudyante ngayon e
talagang horrible at walang pakundangan.
Yes. im talking about s-e-x: SEX!
Its everywhere! people just
turn a blind and seemingly pa-innocent
eye away from it pag ito na ang usapan.
I could care less if orgies happen
on the road and if our ultra-conservative
nuns gets exposed in a sleazy tabloid.
Do people even care about disease?
I mean naglipana na ang sakit ngayon,
wag na nga isa-isip proteksyonan
yung matris dahil natural naman
ang pregnancy at di ito disease pero
paano yung mga totoong sakit
like AIDS/Hepa/STDs?
Granted na ang tsansa na makakuha
ka ng sexually-transmitted disease
ay pareho lang ng tsansa na makakuha
ng typhoid/lbm/hepa mula sa pagkain
ng street foods aba e ang pinabayaang sakit
at paulit-ulit na pagkakaroon ng STDs makes
one prone to AIDS at yung ang mas masaklap.
Take this celebrity,
he admits na dahil sa kanyang
lifestyle e nagkaroon ng konting
leniency kaya ayun kaboom, positive.
Hindi ito sakit na naka-akibat sa
gender or sexual preference even,
kundi sa sexual practice.
Kahit ba na monogamous ka
pero tumatalon at nakikisaw-saw
ang partner mo sa iba e
malilintikan ka din.
But i digressed, going back
to these students.
Apparently, may competition
pang nangyayari.
Sexual conquest adventure
parang reality tv lang.
Tatlong magaganda at seksing mga dalaga:
sina A, B, at C.
Kung nadali ni girl A si Boy kailangan
din madali ni girl B
at C si swerteng Boy;
kasi nga competisyon.
Aba ang galing no?
Minsan daw ginagawang dahilan
ang kalasangin o ang paglalasing-lasingan
para maka-score, but of
course marupok ang lalaki sino ba
ang tatanggi sa lumalanding palay
na humahaplos-haplos sa tandang/manok.
Buti na lang may isip din
yung nakausap ko at may galang sa mga
partner niya at di nagbigay ng
hint or clue sa identity
ng mga nabanggit.
Well maganda kung may wisyo
yung naging kapartner mo at
marunong magtago ng sikreto
para maprotektahan yung dignidad
at pagkatao mo pero paano na kung hindi.
Marami na din ang marunong
magwalanghiya ngayon at walang
utang na loob na matapos kang
gawing parausan e ipagkakalat
ka pa tulad ng mga nangyari dun sa mga scandal.
You just have to be careful
nowadays, sometimes you cant
even trust yourself.
hehehe. pinakamahirap na kalaban ag sarili. i miss reading your post!
ReplyDeleteWandering C:
ReplyDeleteWeeeeee!
nice pics.. he he
ReplyDelete