Pages

Wednesday, April 15, 2009

Summer


Parang pinagsamang hell
at pagsabog ng isang dying star
ang init dito sa Pinas.

Aba, hindi nako natutuwa
na pagkatapos ng pagbababad
ko sa pagligo sa tubig balon kong
timba e pagpapawisan din pala
ako after 0.3 seconds.

Kahit hinga lang ang gawin ko
maghapon at di na gumalaw pa,
parang malabnaw na sipon ang tulo
ng pawis ko at basang-basa na ang
baon kong bimpo kakapunas.

Napabili na naman ako ng sunblock
para mamaintain lang ang kulay ko
pero talagang tuso ang araw at
masinagan ka lang feeling ko
kulay uling na ako.

Maalikabok pa dito dahil sa
ginagawang simbahan na inumpisahang
irenovate bago pa ipanganak si kristo.

Imagine ng makatulog ako nung
isang hapon na nakapaling pakaliwa,
pagkagising ko maaligasgas na yung
exposed side na yun dahil sa dust.

Dapat talaga Regada parati dito
para lahat basa at di maalikabok.

Nilinis din namin ang mga maitim
kong electric fan dahil 24 na silang nakabukas.
Malamang pag uminit pa
(at mukhang iinit pa) e kailangan
ko ng ipagawa ang aircon
(na 3 taon ng di nagagamit)
kahit na 2500 na ang bill
ko sa Meralco kaka computer.

Hay leche talaga.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...