Pages

Tuesday, April 21, 2009

Umaga

Image Source
Kakauwi ko lang mula
sa night shift, may humabol
pa sa aming buntis kaya
eto amoy tae ako literally.

Gumawa lang ako ng bulak magdamag
tapos pagdating ng alas-sais ayun
may semi-direct to DR (delivery room) kami.

Kaya biglang ratsada, pinilit ko
yung kasama ko na magassist para
matuto siya, ayun nasabugan ng
meconium-stained na amniotic fluid.

Yung isa naman ewan kung ngayon
lang nakapaghandle ng cord care
kasi halos maglambitin yung bata
sa tyan ng nanay kasi di niya nahawakan maigi.
Buti na lang nakasuporta yung midwife namin
at yung ungloved hand ko
kaya pati kamay ko duguan.

Bago umuwi bumili muna ako
ng 3 balot ng soysauce-bawang fried rice
sa tapat ng lying-in at nagpabalot na din
ng torta eggplant at isang plain torta lang.
hahaha (tortang talong at torta only po!)
Binigyan pa ako ni ate ng sopas para may sabaw.
*Hindi akin lahat yung pagkain.

Naglalakad nako pauwi ng
marinig ko ang pagharurot ng trisikel
sa likod ko -blok blok blok.
Yung tambutso niya ang
sumisigaw ng bulok bulok bulok.

Nangulit yung driver,
sigaw siya ng sigaw ng trisikel
e di naman ako sasakay.

Di ako nasakay kasi
naglalakad ako kasi nga
dukha ako!

E kung ginusto ko bang
magsayang ng 20 to 30 pesos
(till 50 pesos kung naulan at gabi;
at take note lahat nung pagkain
na nabili ko 52 pesos lang)
e di sana nagkakatuwaan na kami
nung bwisit na driver na yun
sa lecheng trisikel niya.

Isa pa, nakasulat ba sa noo ko
ang katagang - 'Pssst! Trisikel!'
Pimple lang at langis ang
naninirahan sa noo ko
kaya di siya dapat mangulit
kung di siya tinatawag.

Earth Day pa naman ngayon,
sabagay di nila alam yun at
malamang wala silang pakialam
kung sa paghahabol nila sa pasahero
at pagharurot nila sa drag racing
sa madaling araw e nagsasayang lang
sila ng langis, laway at oras.

Walang disiplina ang mga
punyeta palibhasa mga kolorum
at karamihan mga adik na kabataan
ang drayber (especially sa madaling araw).

Kung kailangan bakit hindi,
tatawagin naman sila kung
sasakay na ang pasahero,
pero yung habulin ka pa
at pausukan pag natanggihan
aba ibang usapan na yun.

Dapat sa kanila
patikman ng carbon monoxide
exhaust nila hanggang sa lumawit
dila nila para matikman nila paano mausukan!

2 comments:

  1. Ang ganda, matapos magdescribe ng duguan at rumaragasang amniotic fluid, biglang litanya ng pagkain ang kasunod. hahaha!

    Ang mahal naman ng tricycle sa inyo. buti samin 7 pesos lang. hahaha!

    ReplyDelete
  2. paano pinagkakakitaan kami maigi ng mga pesteng trike drivers na itich.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...