Well, well, well.
Kain, tulog, work lang ang
buhay dito.
Naging bobo ako dito.
Bumalik sa pre-school
ang level ng Ingles
at nawala na din ata ang
lahat ng napagaralan ko.
Natuto na ako magmura
ng harap-harapan.
Magdabog ng walang pakialam.
At nawala na ng tuluyan ang aking pasensiya.
Ibang klase ang buhay dito.
Kapalit ng sweldo mo talaga
ang halos na nakaluhod na
pagsilbi sa mga nilalang dito.
Hindi ko sila matawag na tao.
Beings oo pero hindi sila sentient.
Manhid sila, hindi kami tao sa kanila.
Siguro nga aso ang tingin nila sa amin,
kapareho lang ng tingin namin sa kanila.
11 kaming dumating dito.
Yung isa napauwi ng mas maaga,
the rest hindi na magrerecontract
at ako na lang ang matitira
dahil aminado ako...
desperado ako sa pera.
Walang pera sa Pilipinas
at wala din akong makukuhang
certificate sa Pilipinas.
Yung 3 taong pagvolunteer ko.
Hindi ko magagamit, bale wala.
Nagamit din lang ako.
Thankful na din in a way kasi
dahil sa pagvolunteer na iyon.
Naandito na ako.
Maganda lang ang accomodation namin
kasi mga puti ang dating nakatira dito.
Maayos siguro ito dati kasi nga
Westeners ang nagsimula ng lahat,
pero ng umalis na sila.
Wala na, bumalik sa pagiging
primitibo ang lahat.
No comments:
Post a Comment
A pen is mightier than a sword especially when sharpened